read.cash Log in
@sheena34 more from that month

Affordable dishwashing liquid Gumagamit ba kayo ng dishwashing liquid? O sabong bareta lang hehe? Ako gumagamit pero hindi Joy na mamahalin. Dun lang ako sa murayta na afford ko. Bumubula din naman at nakaka alis ng dumi sa plato. Eto kasing dishwashing na binili ko ay 38 pesos lang ang isang bote ng coke. Yun namang nasa isang litro ay 35 pesos lang. Hindi yan mantikang malabo ha. Kasi kadalasan sa palengke diyan nilalagay ang mantikang malinaw at malabo. Yung tig 35 pesos kapag binili sa palengke 55 pesos. Sa Divimart naman 58, may 52 pa. Iba ibang presyo pero pare pareho lang naman. Nabili ko ito sa dumadaan na naka tricycle, may dalang galon ng mga dishwashing. Minsan lang siya mapadaan dito kaya dapat bumili ng marami kung may mga lalagyan ng coke. At kung may budget pa hehe. Meryenda na pala kaso dishwashing ang nai share ko haha. Gandang hapon noise app fam! 1352 Pht

23 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.