Brown out Habang kumakain kami ng meryenda na spaghetti at cake, biglang nag brown out. Galing sa birthday, libre na naman ang meryenda. Halos apat na oras kaming walang kuryente. May pumutok kasing transformer malapit dito sa amin. Nag chat ang eldest ko kung may kuryente daw kami. Nasa bukid kasi siya sa lola niya. Malapit lang naman dito sa amin pero nagtanong baka sila lang walang kuryente. Akala ko nga kami lang wala, kaso narinig ko sa kapitbahay wala din sila,haha. Kapag walang kuryente, walang buhay... Hindi na din ako nag cellphone kasi pa lowbat na, naisip ko hindi agad magkakailaw. Kaya kinuwentuhan ko na lang si bunso. Tuwang tuwa siya sa kwento ko. Tawa ng tawa... hahaha Mabuti na lang at may inorder ako sa shoppee na rechargeable fan na may ilaw. Pang brown out talaga. Un lang hindi ko pa nagagamit kaya factory charge lang. 2:30 ng hapon nawalan ng ilaw. 6:20 ng gabi bumalik. Ang tagal. Mabuti na lang malamig at hindi malamok. At nang bumalik ang kuryente, sigawan ang mga kapitbahay. Sigaw din kami,yehey. Bakit kaya kapag bumalik ang kuryente tuwang tuwa tayo? Nabuhay ang dugo hahaha... Happy weekend pips! nhez43💞 #brownout #spaghetti #cake #rechargeablefan
1 comment
Ahahaha oo nga sumisgaw tayo ng may kuryente na or may ilaw na kahit may ilaw naman talaga wala nga lang sindi ahahaha...