***Sinigang na bangus*** Ito ang ulam namin ng lunch. Madaming sabaw. Tamang tama sa malamig na panahon. Kangkong at siling green lang nilagay ko. Nakalimutan ko kasi ang ibang gulay. Absent minded sa pamimili sa market. Totoo ba na kapag inilagay ang gulay bago ang pang sinigang mix, titigas ang gulay? Yun kasi sabi ng iba. At ang bangus na binili ni partner ay puro kaliskis lahat. Akala nya daw lahat pang paksiw. Eh dalawang kilo yata iyon. Inalis ko na lang isa isa ang kaliskis kahit nahati na sa apat ang isang bangus. Bakit kaya kapag namili ang lalaki basta lang nabili. Hindi tulad nating mga babae ang tagal sa palengke o shopping mall. Inaabot ng ilang oras sa pamimili. Tapos sasabihin ng partner ang tagal natin. Hello, siyempre mausisa at mapanuri tayo. D tulad nila laging nagmamadali akala mo may hinahabol haha. Makulimlim na hapon ka squads!!! Happy 1st Anniversary NFSFG!!! 052122 1711 Pht @nhez43
1 comment
Sabi nga din ni mother earth ko nung nabubuhay pa sya hindi muna nya nilalagay yong gulay.hinuhuli nya pagnalagay na lahat pati sangkap antayin kumulo saka ilagay na si gulay