read.cash Log in
@sheena34

#HappyMothersDay2022 Ito ang aking entry sa Mother's Day celebration ng Nfsfg. Bago ako umalis ay nag-pictorial muna kami ni bunso. At habang nasa biyahe, ako'y nagsusulat para sa 'makabagbag damdaming' istorya ng pagiging ina. Mabuti at pumayag at sumusunod sa sinasabi ko. Pero sa totoo, malambing na bata talaga siya. Gusto laging niyayakap siya sa pagtulog. Palaging nagsasabi ng 'I love you' at humahalik sa lips. Kapag nagkakasakit ang ating mga anak. Mas gugustuhin natin na tayo na lang ang magkasakit para tayo na lang ang mahirapan. Tulad ng nangyari noong kami'y nagka Covid pareho ni bunso. At na confine siya sa ospital. Nag aalala pa nga ako baka siya lang ang positive dahil mahihiwalay siya sa akin. Mas lalo siyang iiyak non. At masakit sa akin na nakikita siyang umiiyak at nahihirapan. Isang beses hindi ko napigilan umiyak, dahil sa halo halong pag aalala, nakita ako ng anak ko at niyakap ako. Sa awa naman ng Diyos kami ay nakalabas ng ospital at gumaling. Hindi naman natatapos ang pagiging ina hanggang sa nag aasawa at bumubukod ang mga anak. Andyan pa din ang ating mga nanay na laging nagmamahal at sumusuporta sa atin. Kaya palagi natin silang pasalamatan at mahalin. Dahil maiksi lang ang buhay. Happy Mother's Day muli sa ating lahat, na mga dakilang ina. 050822 1637 Pst

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.