Tikbalang Maaga akong nakatulog kagabi... Dahil puyat ako ng nasa Calauan ako... Namahay kasi ako... Kayo namamahay din ba kapag nasa ibang bahay? Bukod sa namahay ako hindi ako makatulog. Habang nagsshot ng kaunti, nagkkwentuhan kami ng pinsan ko at bilas nya ng nakakatakot...May tikbalang daw dun sa kanila...Kakatok daw at gagayahin ang boses ng kasama sa bahay...Mismo sila naka experience ng ganito...Kapag binuksan naman ang pinto wala naman tao...Tapos ung pintuan pa parang sa mga horror movies ang tunog,katakot... Naniniwala ba kayo sa tikbalang? At ang katabi nilang bahay ay walang nakatira kaya may nakikita daw doon...Nasa pic ung sinasabi kong bahay,buti na lang umaga...Idinadaan na lang namin sa tawanan ang pagkatakot sa sarili naming kwento...hahaha Isa pa doon kami natulog ng pinsan ko sa kwarto kung saan doon nakahiga ang Uncle ko ng siya ay maysakit...Matagal na siyang pumanaw...So ang ending d talaga makatulog kasi baka biglang may humawak sa paa ko habang natutulog, hahahaha Tanghalian na pero nakakatakot ang post ko hahaha... Gandang tanghali mga kaMema!!! Happy New Year po sa lahat... nhez43💞 #happynewyear #memalangpo
3 comments
Haha I love the tikbalang po :D
Sis totoo yan tikbalang! Grade 2 ako noon , nangamoy kandila sa room namin tapos yong kabila nangamoy bulaklak ng patay. Yon pala hindi namin alam, yong anak ng principal namin e nagbirthday! Napaglaruan ng tikbalang kc ginaya yong kuya kuyahan sa school. Nakipaglaro pa sya e sabi nung tatay inutusan nya yong student na yon lumabas.
Di ko na kailangan maexperienced yan sis hindi naman nakakagulat,wala ng imposible lalo kung mg third eye ka,hindi matatahimik ang mundo mo ahahaha