Kinakabahan na ako, sa aking pagtakbo. Pagtakbo ng aking mga kabayo. Sana manalo ako, charrr. Manalo sa race at laging makakuha ng golds. Dahil tutuparin ko ang aking mga ipinangako, haha. Maaga kaming pumunta sa voting center, 8 am. Nag black shirt ako, para fair. Senior na si father kaya sinamahan ko siya. Dahil hirap na siyang magsulat. Ako na ang nagmarka sa mga iboboto niya at pagkatapos ako naman ang nagmarka sa napupusuan kong candidates. Alam naman natin pinapauna ang mga senior, kaya maaga kaming nakatapos. Proud voter, dahil sa ink ng aking daliri. At nagampanan ko na ang aking pagka Pilipino,charr. Kaya sana kung sino man ang manalo ay magampanan ang kanilang tungkulin. Hanggang gabi yan babaha ng mga daliri sa news feed. Ang haba nga ng pila at madaming tao. Pero hindi tulad dati na siksikan, ewan ko lang diyan sa lugar ninyo? Naalala niyo ba dati ang eleksyon? Katulad ng election sa unang araw ng pasukan. Yung ganito (lllll-lllll) Kaya may dayaan na nagaganap dahil nadadagdagan kapag brown out,lol. O siya. Ako'y matutulog muna. Ipapahinga ko lang utak ko. Nagamit ko na naman kasi. 050922 1403 Pst #respect @nhez43🤍
No comments yet