read.cash Log in
@sheena34

Lunch time ka NFSFG. Ginataang tulingan my kinda viand for today's lunch. Bakit kaya tinatanggal ang buntot ng tulingan? Sabi para mawala ang kati. Ang ibang isda naman hindi tinatanggal ang buntot d ba? Mas gusto kong maliliit na tulingan gataan kasi maliit ang tinik. Natinik na kasi ako sa malaking tulingan. Ang tagal maalis. Tatlong araw tumagal sa lalamunan ko. Wala naman may batang suhi para kamutin ang lalamunan ko. O kaya pusa hehe. Pinakuluan ko muna sa suka na may bawang, sibuyas, luya at suka. Nang medyo luto na inilagay ko na ang gata. Ang tawag ng iba ay 'kakang gata'. Pagkakulo saka ko nilagay ang gulay at sili na rin. Siling green ang nilagay ko, wala kasi akong siling pula. Pagkatapos ng ilang minuto, luto na. Kain po tayo ka squads! Happy lunch po! 042822 1259 PST #foodtrip nhez43šŸ¤

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.