Its been two days na pala since my last post here. Ive been busy yesterday. Umuwi na kasi yung ibang kamag-anak namin na dito boboto. Dahil sa wala na silang bahay dito pero dito pa din sila naka register kaya yung ibang pinsan ko sa bahay pansamantalang nakatira. Until May 10 pa sila dito kaya medyo ma beeee.busy ang lola niyo mga ka noise. Yung ibang pinsan ko ngayon lang ulit nakabalik dito after 6 years. Last 2019 kasi di sila nakauwi para bumoto. Kaya ngayon umuwi talaga sila. Yung 3 pinsan ko kasi sa bohol na nakatira samantalang yung iba naman ay galing pang Manila kasi doon sila nagtatrabaho. Anyway kamusta kayo guys? Sana ay okay lang ang week ninyo ngayon. Sigurado ako yung mga kandidato sa inyung mga lugar ay busy na sa pamimigay ng vitamins sa inyo. Same din dito sa amin. Starting kahapon nakatanggap na kami ng vitamins galing sa mga tumatakbong kandidato. Hindi ako magpapaka.ipokrito guys, sasabihin ko talaga na yung mga binigay nilang vitamins ay tinanggap namin. Una sa lahat di naman namin hiningi iyon, saka pakalawa akala nga namin wala kaming vitamins kasi walang naglista sa amin. Maliban lang doon sa kandidatong sinamahan ng pinsan ko. Kasi doon sigurado kami na makakatanggap kasi isinama niya kami s listahan. Kayo ba guys nakatanggap na ba ng mga vitamins? Anyway have a great night ahead to all. Yung iba dito sigurado ako tulog na kaya good night nalang po sa inyo. Sa iba naman na gising pa, hala sige puyat pa more. Heheheeheheh. See yah guys.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet