Grabe yung kaba ko mga around 12:14 am. tandang-tanda ko talaga ang oras kasi nagising ako bigla. Grabe kasi ang ingay ng mga aso tapos sabay may narinig ako ng mga pagsabog. Tapos ayun sunod sunod na siya. Hanggang sa di na ako nakatulog. Akala ko may gyera ng nangyare kasi grabe ang palitan ng mga putok. Yun pala nasunog pala ang armory complex ng 4thID sa may camp evangelista sa patag, CDO. Kaya pala parang nasa malapit lang yung mga pagsabog kasi malapit lang dito sa tinitirhan ko yung patag. Mga around 4:00 oclock ko naman na sa camp evangelista yun nangyare kasi sa kaka. search ko sa fb nakita ko yung interview ng isang opisyal na sundalo. Sabi nila sa temporary imbestigation aksidenteng nagkasunog daw. Mamaya malalaman na siguro kung anong totoong nangyare. Napa chat tuloy ako sa pinsan at tita ko na nasa loob ng camp evangelista nakatira kasi sundalo kasi pinsan ko tapos ang asawa ng tita ko ay retired sundalo din. Yun nga pati sila na trauma kasi first time in history sa tagal nila na nakatira sa camp evangelista ngayon lang nangyare ito. Kaya napalabas sila ng campo na walang mga dalang gamit dahil na rin sa natataranta sila. Hay nako ano naba nangyayare ngayon. Sana yung mga na injure ay di masyadong malala. Anyway good morning po sa lahat and have a great day ahead of us.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet