Sabi ng mama ko dati ning bata pa ako, dapat daw matuto ako sa mga gawaing bahay dahil dadating daw ang araw na mapapakinabangan ko lahat ng ituturo nila papa sa akin. Growing up medyo maypag ka against ako sa mga sinasabi ng parents ko dati. Minsan pa nga natatandaan, naiinis ako pag tinatawag na ako ni mama habang naglalaro pa sa labas ng mga ganitong oras. Feel ko di ko naeenjoy ang laro kasi saglit lang. Pero ngayon na nasa ganitong edad na ako at may asawa na naiintindihan ko na si mama kung bakit kailangan niya kaming imulat ng mas maaga sa mga gawaing bahay. Hindi kami mayaman kaya bawat utos ni mama noon nagdadabog ako kasi yung ibang pinsan ko naeenjoy nila ang paglalaro hanggang sa mag takip silim na. Pero napagtanto ko, magkaiba pala kami ng status sa buhay. Sila mayayaman samantalang ang parents ko nagsusumikap para pag aralin kami at buhayin. Kaya napa grateful ko sa kanila, hindi man kami mayaman pero pinuno naman kami ng mga magulang namin ng pagmamahal at mabuting asal. Nakapagtapos ang kuya ko ng walang tulong mula sa ibang tao. Sariling sikap ng mga magulang ko ang puhunan nila para makapagtapos si big bro. Pati ati ko nakapagtapos din ako lang at isa ko pang kapatid na babae ang hindi nagtapos kasi nag-asawa kami ng maaga. Hindi man magandang sabihin pero yun ang totoo. Pero kahit ganun, maayos naman ang buhay ko, maswerte ako sa asawa ko at mga in-laws ko. Kaya di din ako nag sisisi na nag asawa ako ng maaga. Sa ngayon di na nagtatrabaho ang parents ko pero may isa pa kaming bunsong kapatid na lalaki na nag -aaral. Mag fo.4th year college na siya ngayong pasukan. At tulungan kaming magkakapatid para makapagtapos lang siya. At dahil doon masaya ang mga parents namin sa amin kasi di namn daw nila sinabe na obligado nmin ang kapatid namin. Kaya pa naman daw nilang pag aralin si bunso pero kami na yung nag kusang loob, kasi kahit anong gawin namin, alam namin na hindi kami makakabawi sa mga parents namin. Kaya lage nga naming dasal na sana bigyan pa sila ni Lord ng mahabang buhay para kahit papano makabawi man lang kami. Kaya din siguro na mas gusto ko dito manirahan sa aming lugar kasi gusto ko malapit lang ako sa kanila, at sa awa ng Diyos dininig niya mga panalangin ko. Kaya sa mga kabataan ngayon, i.appreciate niyo ang mga ginagawa ng parents ninyo ma simple man o hindi ito. Dahil saan man banda tignan kahit kailan di tayo makakabawi sa mga sakripiyo nila para sa atin. Habang nandiyan pa sila pahalagahan natin sila, kasi di natin alam kung hanggang saan at kailan lamang sila sa mundong ibabaw.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet