Isa sa naging agam agam ko para magpa vaccine ay yung mga bali-balitang after nag pa vaccine namatay or nagka covid-19. Ngayon mas naluka ako sa balita ng pinsan ko na ang asawa ay nagtatrabaho sa iyang construction company sa Davao. Imbis na vaccinated ang husband niya last 2 weeks ngayon bigla silang nag positive ng covid-19 pati ang 39 na ibang kasamahan nila sa trabaho. Ngayon naka quarantine ang husband ng pinsan ko doon lang sa site ng kanilang trabaho. Ginawan sila ng isolation room isa isa para maisolate sila. Ang malaking katunangan ko, paano nangyare na ang daming nag positive sa kanila. Sabi nga ng pinsan ko imbis daw na nag pa vaccine nagka positive na hinoon. Eh hindi naman daw sila nakakalabas sa site kasi bawal sila lumabas dahil nga sa sitwasyon ngayon. Ang sabi nagsimula daw sa isang ka trabaho nila na nilagnat at yung ibang sintomas na nalilink sa covid kaya sina.swab.test sila. Ang resulta yun nga 40 ang positive at kasama doon ang husband ng pinsan ko. Hindi ko alam ang totoo kung bakit nagpositive sila pero parang nakadagdag ata yun sa agam-agam ko na magpavaccine. Hay, ewan imbis magpapavaccine sana ako pero parang natakot ata ako sa balita ng cousin ko. Medyo nerbyosa pa naman ako. Sabi nga ni hubby kung di ko pa daw talaga gusto magpa vaccine i take my time ko lang daw until fully decided na ako. Kasi mahirap na daw. Baka mapano pa ako. Anyway., ang panahon nami. napaka di maintindihan, umuulan pero kita mo yung sinag ng araw. Naalala ko tuloy kwento ng lola ko noon, pag ganito daw may kinakasal na tikbalang. Pero di naman ako naniniwala doon. Kaya heto tamang tambay lang sa tindahan habang nag no.noise at nag wawatch ng volleyball. Magandang hapon s lahat.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Mas sure pag nagpa vaccine mam.
undecided pa ako sir. Medyo may agam-agam pa po kasi ako.