Lumakas na naman ang ulan, wala pa siguro planong tumigil. Kaya heto nakatambay lang muna sa bahay. Di ko nakapag work kasi ang sakit ng ulo ko, buti nalang talaga mabait si madam. Pero ngayon lang naman ito kaya keribels lang. Habang naghihintay tumila ang ulan yung mga pinsan ko naman tulog pa. Kaya heto ako ngayon walang magawa, naghihintay lang kung kailan sila gigising. Tapos na ako mag handa ng almusal at nakapag kape na din ako. Bahala nalang sila mamayang kumain. Kayo guy's anong ginagawa niyo?
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet