Ang mag babarkada pag nagsama sama maraming kalukohan ang nagagawa, pero wala paring katulad kung kayong mag pipinsan ang magsasama sama para gumawa ng kalukohan. Marami nag sasabi na ang ko.close daw naming mag pipinsan. Dahil yung iba daw mg pipinsan di daw close. Close kami kasi halos sabay sabay kami lumaki, magkakalapit lang kasi bahay naman, nasa iisang compound lang. Kaya close talaga kami. At isa pa, sinanay kami ng mga lolo at lola, pati narin mama at papa namin na maging close dahil kahit saang anggulo daw tingnan kami at kami lang rin ng magtutulongan. Kaya happy na ako magkakasundo kami ng mga pinsan ko kahit pa na iba iba kami ng mga ugali.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet