read.cash Log in
@shamkylan28

Minsan, kahit anong pilit mo na magpakatatag sa mga hamon sa buhay may time talaga na parang gusto mo/natin nalang na sumuko. Lalo na pag down na down ka na talaga. Yung tipong gusto mo nalang iiyak lahat lahat kaso ayaw mo na may makakita kaya palihim ka nalang naiyak. Yung tipong gusto mo ng isigaw lahat ng bigat, lahat ng sama ng loob, lahat lahat na. Minsan o di kaya kadalasan naririnig ko yung mga katagang" kumapit ka lang, malalagpasan mo yan". Medyo gasgas na sabi ng iba pero yan yung pinanghahawakan ng karamihan para magpatuloy pa sa laban ng buhay. Magandang gabi po sa lahat. Tatambay nalang po muna ako dito. Medyo pagod kasi ako sa kakaintindin sa mga pangyayare sa buhay ko ngayon. Gusto ko mang i share pero di ko magawa kaya magbabasa basa nalang muna ako dito sa mga content . Parang ilang days na din ata akong di nakakapag online. Goodnight po sa lahat ng tulog na. At hello po sa mga gising pa.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.