Ang init ng panahon at lagpas alas 2:00 na ng hapon. Oras na ngayon ng pag siesta ng iba,.yung iba naman ay busy sa mga gawain habang yung iba ang nag memeryenda na. Dati noong nabubuhay pa ang lola ko ang daming bawal gawin noon, pero ngayon parang wala lang, although nasimba pa din naman kapag mahal na araw pero ibang-iba pa din sa mga panahong andito pa si lola. Ngayon wala kami maski biko kasi inbutan ng pagkatamad. Nabili si hubby ng ingredients ng para benignit at biko pero di na nagawa dahil na din sa mga nangyare kahapon. Baka bukas o kung kelan abutan ng gana saka ko pa lulutuin iyon. Magandang hapon po sa lahat. Sana po lahat ay nakapananghalian na. Ako heto nakahiga sa may kwarto habang nakatapat sa electric fan dahil napakainit ng panahon. Mamaya magmemeryenda lang ako ng mabili sa may tindahan. Gandang hapon po. Ang ganda ganda po ng araw.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet