Minsan may mga kamag-anak tayo na di natin alam kung ano ang takbo ng kanilang isipan. Share ko lang guys, medyo may pagka sensitibo kasi ito. We were all shock kasi kahapon ng tanghali ng mabalita sa radyo na may dalawang mag-asawa ang namatay. Ang sabi pa pinatay daw ng lalaki ang babae before siya nagpakamatay. We were shock ng sabihin sa radyo kung taga saan at ano ang apilido. Biglang nanlambot at nanginig ang katawan ko kahapon dahil sa balita. Ang siste pinsan ko pala ang namatay. Di namin akalain na magagawa ng asawa niya yun. Di na naisip ng asawa niya na may dalawa pa silang anak. Doon ko na realize na may mga tao pala talagang hilumon o tahimik pero iba na pala takbo ng utak. Kawawa mga pamangkin namin kasi nawalan sila ng mga magulang. Graduating pa naman sana sa criminology yung panganay. Madami ang sabi sabi dito sa amin ngayon bakit daw nagawa yun ng asawa niya. Pero higit sa lahat malaki ang kasalanan na nagawa niya sa mata ng Diyos. Kaya guys, kung ano man mga problema natin sabihin natin sa Kanya, humingi tayo ng gabay sa ano mang mga desisyon natin sa buhay para di tayo pasukan ng mga demonyo. Sa panahon ngayon pinakamalaki nating panangga ay ang manalangin. Di natin hawak ang buhay natin pero di rin maganda na gumawa o kumitil ng buhay ng iba at sariling buhay. Pasensya na guys. Nais ko lng ishare, naawa ako sa mga pamangkin namin kasi iyak siya ng iyak yung kuya niya kasi yung pumunta ng CDO para asikasuhin ng bangkay ng parents nila.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Away mag asawa siguro. Graduating pa ang panganay ano. Yong depression, bad spirits nagsama sama na. Wag papatalo sa buyo ng damdamin at bulong ng masama, gusto ni Lord buhay tayo, na nasunod sa Kanya. Spirit of love, power and a sound mind. Palakasin ang pinanghihinaan ng loob.
Huhuhu nakakalungkot ito sis. Tama sis dapat manalig tayo palagi sa Panginoon lalapit sa kanya palagi at susunod sa kanya para lagi tayo gabayan.
nakakalungkot nga po sis. Kung di lang sana siya nagpa daig s mga problema, baka di niya nagawa iyon.