Makapagtambay nga muna saglit dito sa ating pambansang tambayan. Mga kaingay katatapos ko lang magluto at paliguan ang aking nanay at bunso. Si panganay naman ang nagluluto ng para sa aming hapunan mamaya. Sobrang maaga ba? Hindi naman siguro mapapanis yon kasi adobong kangkong naman yon niluluto niya e. Ako sinampalukang sitaw at saluyot at nagsaing ako kanina. Ang saya ko lang din kasi super blessed ako sa family ko kahit pa kulang kami at dysfunctional. Gaya ng ating bio ngayon. Salamat sa napakahenyong may ari ng channel na ito...sis @sunnylife. Pak na pak mga bio at relate na relate ako.👍👍😍 Sobrang pinapahalagahan ko ang aking pamilya lalo na nong may nawala sa amin. Kaya naman hanggang ngayon ako ay nagpapasalamat sa Panginoon dahil sa kabila ng mga kakulangan at pagka dysfunctional nito ay masaya kami na nagkakasama sama. Mas tumibay ang samahan namin nong nagkapandemya. Hanggang ngayon nagkakasawaan na kami sa mga pagmumukha namin dito pero nagtatawanan na lamang kami. Mabuti na lamang at di kami nagkakapalit palit ng mukha...bwhahahaha😅Malalakas na tawanan at halakhak minsan nakakabulabog na kami sa mga kapitbahay. 😂✌ Katulad ng ating pamilya ay ang ating bayan o siyudad. Masaya ako at tahimik dito sa aming lugar. Nakarating man dito ang delta variant ng covid 19 virus, ay blessed pa rin kaming lahat dahil walang infected sa amin. Patuloy lang sana tayo sa pagdadasal hindi lang para sa ating sarili, sa ating pamilya kundi maging sa ating bayan at lugar. Ipagdasal natin lahat upang lahat tayo ay manatiling ligtas at covid free. May bakuna man o wala nawa ay matuto tayong magpahalaga sa bawat isa.💚
5 comments
Naimbag nga aldaw mu, sis.
Anya mapaspasamaken sis hahaha nakagulgulo meten ti lubong
wow, nakakamiss ang san fernando la union.. Ang linis linis tignan ah, dati jan sa plaza andami nag aabang ng sasakyan papuntang Candon/ilocos area . Madalas din jan babaan ko galing Pangasinan.. Miss ko na pumasyal sa dyan.. Miss ko na yong dagat sa Catalan.
Sana matapos na pandemic para makatravel ulit 🙏
true pero mukhang matagal tagal pa to..