Wala ng mas sasakit pa sa mundong ito kundi ang mawalan ng pinakamamahal sa buhay.π Ang link sa ibaba ay aking isinama dito sa aking lathala ngayong gabi para po sa lahat ng aking mga masugid na mambabasa. https://noise.cash/post/1x08pv4w Kanina lang daw umaga ay pumanaw ang butihing kabiyak ng aking kaopisina. Nalaman ko ito sa aming gc. Nahirapan po akong tanggapin ang malungkot na balitang ito. Napakasakit lang po kasing isipin na sa pangalawang pagkakataon, nawalan na naman ang aming officemate ng mahal sa buhay. Katatapos lamang po nilang ipagluksa ang pagkamatay ng kanyang mama. Kalilibing lamang nito noong July 1, 2021. At kanina nga po ay pumanaw naman ang kanyang asawa. Nakakalungkot at ang sakit sakit lang talaga. Hirap akong magtext sa kanya kanina ng pakikiramay. Damang-dama ko po ang sakit na nararamdaman niya. Lalo na at magkasunod lamang ang kanilang pagpanaw. Isama po natin siya at ang kanyang pamilya sa ating panalangin.πππ Katulad ko masakit mawalan ng ama. Ilang taon ko ding ininda ang sakit. Ngayon ay paunti unti ko ng natatanggap na wala na siya sa amin. Unti unti ko ding napapatawad ang sarili ko. Dito sa noise tuluyan na din akong nawalan ng pintig sa mga butihin kong kaibigan at mga sinusubaybayan ko. Wala naman akong magagawa kundi tanggapin at ipagpatuloy lang ang aking pag-iingay. Mananatili po ako dito hanggang sa muling pagbalik ng pintig ng aking puso para sa inyo. Magandang gabi po at kasihan nawa tayo ng Poong Maykapal.πππ
4 comments
Condolences and prayers, sis!
Thank you sis. π Condolence din kay hubby moπ
Maikli lang ang buhay, bukas makalawa di natin alam kong sino mauuna. Ang mahalaga ay alam mo kung san ka pupunta. At habang buhay pa ang mahal aa buhay ay ito ay ipadama sa kanila.π
Amen uncle.