read.cash Log in
@sashley more from that month

Hindi ko alam kung anong dahilan Epekto nga ba ito ng bakuna lang O nagkukunwaring nagdadahilan Upang di pumasok kinabukasan Masakit kasi ang mga kasu-kasuan Mabuti na lamang at walang lagnat Panay inom ng tubig na walang alat Dahil bawal matuyuan ng lalamunan Kaya naman maya't maya'y sinasalat Brasong naturukan kung masakit pa Mukha namang maayos na ang balat Maliban sa konting kirot na ramdam pa Tapusin na nga lang lahat ng gawain Tigil na muna ang pag-iingay sandali Umuwi na lang kaya ako ngayon din Dahil kanina pa ako hindi mapakali Bwhahahaha wala lang napatula lang sandali kasi parang ngayon ko pa lang nararamdaman ang totoong side effect ng Pfizer 2nd dose.✌😂 Lower limb lang na joints ang medyo ramdam ko ang konting konti naman na pain. At by God's grace wala akong lagnat. Wala na akong iniinom na kahit anong paracetamol or pain reliever kasi mataas naman ang tolerance ko sa pain. Puro tubig lang ang iniinom ko at madaming prutas ang kinakain ko since Saturday.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.