Maraming salamat sa Diyos sa araw na ito. Biyernes na naman ang pinakaaabangang araw ng buong linggo. At salamat din sa Diyos sa pinaikling oras ng aming trabaho mula 8 to 5 ay ginawa na lamang itong 8 to 4. Kaya naman kapag ako'y umuuwi bawat hapon, masayang masaya ako dahil mataas pa ang araw. Maliwanag pa ang kalangitan. Ang larawan ay kinuhanan ko kani kanina lamang habang ako'y naglalakad pauwi. Malapit lang naman kasi sa aming opisina sa sakayan. Ang totoo niyan ay 2 beses akong sasakay mula bahay patungong opisina. Pero dahil pandemic minabuti kong lakarin pauwi ang isang sakayan. Ito na lamang ang nagsisilbing ehersisyo ko araw araw. At ang kagandahan niyan ay nakakakuha ako ng mga larawang maibabahagi ko dito. Isang mapagpalang gabi po sa inyong lahat.💚💚💚
No comments yet