Magandang araw (ngunit makulimlim na dito) ng Martes mga kaingay. Makapagtambay nga sandali dahil nakaahon na ako sa tambak na trabaho mula pa kaninang pagpasok ko bwhahahaha.π Lumangoy lang naman ako sa napakaraming folders at papel sa ibabaw ng lamesa ko. πͺπͺ At napapanahon ang ating bio ngayon dito sa ating tambayan.ππ Mabuti na lamang at marunong akong magbisikleta. Natuto akong mag isa non nasa ikaapat na baitang ako sa elementarya. At tama yong sinabi nila. Masusugatan ka muna bago ka matuto. Ilang beses akong natumba. Ngunit minsan lang ako nasugatan. Nagasgasan lang ang aking tuhod non at bahagyang dumugo. Nagpursige akong matuto dahil naiinggit ako sa mga kalaro ko non na marurunong magbisikleta. Nong natuto na ako ay napakasaya ko. Halos kada hapon pagkatapos ko magsaing non ay nagbibisikleta ako. Ang saya ng pakiramdam na marunong na akong magbalanse at patuloy akong sumusulong. Kung saan saan din ako nakarating. Minsan nga kahit wala na akong kasama e patuloy pa rin ako sa pagbibisikleta. Parang sa buhay din natin yan. Kung gusto nating makarating sa ating gustong puntahan, magpatuloy tayo sa paglakbay. Sulong lang dahil marunong naman na tayong magbalanse. At sa tulong at gabay ng Diyos makakarating tayo doon. Kapit at tiwala lang tayo sa Kanya.ππ Mga larawan ay kuha ng aking kaopisina gamit ang kanyang phone at ito ay noong bago magpandemic sa Pradera Verde, Pampanga.
6 comments
ang ganda ng bike mo sis ako daming gasgas at sugat haha minsan tinutulak ako pag nde pa den matuto haha Ingat lagi dyan sis
Ganyan ang mga bikes diyan sis. Sa Pradera Verde yan sis sa Pampanga. Yong bike namin sira na siya. Hahah basta marunong ka na ngayon sis un ang importante parte daq tlga sa pagkatuto natin ang masugatan muna. Ingat ka din lagi sis ha God bless youππ
Mabalin atoy iblog sis
Tagalog met sis di ba ijay ket English?
wen mabalin tagalog, sis
Tas picture picture to metten? Hahaha anyan ayaπ