read.cash Log in
@sashley more from that month

Isang makulimlim na hapon mga ka ingay. Medyo na trauma ako sa pag likha ng ingay dito dahil sa insidente kahapon. Kaya eto sinubukan ko tumambay dito. Napapanahon ang ating bio ngayon: "Ang pagsuko ang pinakamatindi nating kahinaan. Ang pinakatiyak na paraan upang magtagumpay ay ang sumubok nang isa pang beses." – Thomas A. Edison- Isang mainit na pagpugay sa iyo sis @Sunnylife sa paglikha mo ng channel na ito. Maraming salamat sis💚🥰 Marami na akong pinagdaanang pagsubok sa buhay. At sa awa ng Diyos lahat ay aking napagtagumpayan. Ni minsan kasi hindi Siya umalis sa tabi ko. Tahimik nga lang Siya madalas. Parang wala Siya at parang di Niya naririnig ang aking mga dasal. Pero andito lang Siya hindi umaalis. Hindi Niya ako sinusukuan kahit kelan. Ganyan ang ating Diyos hindi tayo sinusukuan.🙏💚🙏 Samantalang ako minsan konting bagay lang nati tempt na akong sumuko. Parang itong sapatos lang na ito. Nangyari ito nong nakaraang buwan. Naramdaman ko na nasira na siya. Nasa opisina pa man din ako non. Nanlumo ako kasi inisip ko pano uuwi sa hapon. Wala akong tsinelas e. Ang meron ako yong isang sapatos ko na may takong. Mabuti na lamang may pandikit kami. Susukuan ko na sana talaga ang sapatos kong ito non. Sinuot ko muna yong may takong saka ko ito dinikit. May 30 minuto din siguro akong naka high heels sa opisina. Kaya naman matapos lamang ang aking lunch break ay nasuot ko na ulit siya. 👍👍 Parang sa buhay lang natin yan. Huwag na huwag nating susukuan ang bagay na alam nating pwede pang solusyonan. Subukan natin ng isa pang beses dahil sayang naman kung suko agad tayo, tapon na. E pwede pa naman palang lagyan ng Mighty Bond. Hayan naayos ko nga e at nagagamit ko pa until now. Tandaan kapag meron pa tayong nakikitang pag-asa na buuin ulit ang isang bagay na nadurog or nawasak na, wag nating sukuan. Subukan natin kahit isang beses pa. Maaayos din yan.💪💪 Kasihan nawa tayo ng Poong Maykapal🙏

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.