read.cash Log in
@sashley more from that month

Usapang Puso💚 Tapos na ang araw ng mga puso Ngunit puso ang usap-usapan dito Marami ang sa tingin ko'y natuwa Ang iba naman ay nababahala Magkakaibang mga haka-haka Naglabasan kanya-kanyang opinyon Lahat naman ay may sapat na opsyon Maliban na lamang kung qr code ka Sapat na oras upang masanay Ang mahalaga lahat nabibigyan Hindi man napagsasabay-sabay Pwede mo naman silang balikan Hindi na ito kagaya ng dati Kapag ika'y nabigyan ng malaki Mga nabibigyan mo'y kayrami Ngayo'y puso na lang ang pambawi Kaya naman ako ay bumabawi Sa kahit na anong kaparaanan Upang lahat kayo ay mapusuan At mapanatili inyong mga ngiti Mga larawan dito ay kuha ng isang mabait na kaibigan gamit ang aking selfon. Hindi ko naisip tanggalin ang aking face mask nang masilayan niyo rin sana na ako'y nakangiti diyan. Ngiting-ngiti ako pramis👍👍😁 Magandang gabi noisers.💚 #Poems

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.