read.cash Log in
@sashley more from that month

Medyo napahaba ang oras ko bago tumambay dito sa ating pambansang tambayan. At napapanahon ang ating bio ngayon. Ang aking taos-pusong pagsaludo sa iyo sis @sunnylife👏👍👍🥰 "Sa bawat pagsubok na hinaharap meron ding solusyon na naghihintay"...napapanahon dahil ngayon sa ating nararanasan na pandemya. Mahigit isang taon na rin ang lumipas. At masasabi kong ito na ang pinakamatinding dagok na naranasan ng ating mundo. Marami na ang namatay at patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong infected ng deadly virus na ito. At ang nakakainis pa diyan dumarami din ang variant niya. Nakakalokah. Oo nga at halos wala na din namamatay sa ngayon ngunit ang pagtaas ng mga nai infect ay nakakaalarma. Epekto ng pandemya ang depresyon. Kung di sa covid namamatay, ay sa matinding depresyon naman. 😥 Sa ganang akin hindi naman ako nadepressed noon tuluyan ng namaalam ang aking Toshiba laptop matapos ang mahaba-habang sampung taon (din naman namin siyang napakinabangan). 💔 Nakatengga siya ng halos ilang buwan. Problema ko kung paano siya pagaganahin uli. Marami-rami na rin akong gastos. Napacheck ko na sa mga technician. Napalitan ang keyboard, binilhan ko ng plug-in wifi usb connector. Mga problemang akala ko wala ng solusyon.😪 Hanggang sa maisipan kong pabuksan ang baterya nito. Hindi pa kasi uso ang built-in non. Ayan matitibay na baterya. Chargeable pa o di ba.👍👍 Pinabuksan ko din ang motherboard nito at kinuha ko ang kanyang memory. Maaari pa itong gamitin kung sakali mawala na ang mismong memory ko sa mga nakaraan namin ng aking sinta noong araw.✌😁 Sa mga may sirang laptop o gadgets diyan wag basta basta magdispose. Kunin po muna ninyo mga pwedeng pakinabangan. Parang buhay lang yan. Wag basta basta patatalo sa mga pagsubok o suliranin. Meron at meron yang solusyon. Kasi kung walang solusyon, ay naku maniwala po kayo, hindi yan problema. Dahil lahat ng problema ay may solusyon.💚

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.