Ganda ng bio natin ngayon sa ating pambansang tambayan a. Hehehe kaya eto naka off na wifi namin ngunit naka on ang aking data bwhahahaha😂. Daanin na lang sa tawa mga ka ingay. Mahirap kung dibdibin mo lalo lang bibigat sa puso. Hindi ko naman talaga kaya e...kinakaya ko lang. Hindi ko naman talaga kayang labanan e...nilalabanan ko lang. Wala naman akong ibang choice kundi magpakatatag pa. Akala nila malakas ako, matatag, matibay. Hindi kaya. Luray-luray na nga ako e. Durug na durog na sa loob. Wala na ubos na ako. Pero kailangan kong lumaban. Kailangan kong gumapang. Kailangan kong magpatuloy. Kasi kung hindi, kawawa ang pamilya ko. Alam ko naman na hindi ako perpektong tao. Oo marami akong pagkakamali. Ngunit itinatama ko din naman pag may time. Ganern. Mahabang hugot ko a. Grabe mas lalo yatang di ako makakatulog nito.✌😁 Mabuti na lamang at napakaganda ng bulaklak na ito. Pagmasdan mo lang at ikaw ay mapapalakbay sa kawalan. Mahugot na gabi sa inyong lahat mga kaingay.💚
2 comments
kakayanin natin sis :) Laban lang, fighting! Chika tau soon sis God isgood all the time. Love you sis
Salamat sis. Oo laban lang minsan din kasi tlga nakakapagod na din. Prang gusto ko na sumuko. But God is good all the time and all the time God is good. Love you more sis. 💚God bless🙏