Lahat ng problema, may solusyon. Kung walang solusyon, malamang hindi problema yan. At higit sa lahat kung ikaw ay sobra ng nahihirapan at sukung suko ka na, wag na wag magagawi sa isipan mo ang pagpapakamatay. Wag na wag mong tatapusin ang iyong buhay kahit gaano pa ito kahirap. Wag kang susuko kasi wala ka naman kasalanan. Hindi ka naman wanted sa batas. Kaya wag na wag kang susuko. Mga sumusuko natutuloy sa bilangguan. Buti sana kung yon at doon ang hahantungan mo kung sinukuan mong buhay mo. Paano kung yong pagsuko mo magpapatiwakal ka, malamang ang punta mo sa delikado at masamang sitwasyon. Wala namang kasiguraduhan sa buhay. Lahat yan may hangganan. Kaya kung ika'y naghihirap ngayon at dumadaan sa matitinding pagsubok at dagok ng buhay, wag kang mag alala kasi lilipas din yan. Matatapos din yan. Walang forever mga kaibigan. Si Lord lang ang forever. Siya lang ang forever na nagmamahal sa atin kahit na tayo ay laging nagkukulang sa Kanya. Siya lamang at wala ng iba.💚🙏💚 Napatambay lang saglit sa ating pambansang tambayan. Mabuhay ang Pilipinas🇵🇭
2 comments
thank you sa message sis :) Need this today. God bless always sis
God bless you more sis.🙏