Masakit ang Katotohanan✌😅😁 Magandang gabi po sa inyong lahat mga giliw kong kaingay. Matagal din yong huli kong pagpost dito sa ating pambansang tambayan. Masaya ako at muli andito ako magkukwento lamang saglit.😁 Sa title pa lang alam kong alam niyo na ang akdang ito ay puno na naman ng hugot. Well, tama po kayo diyan. Tawag sa akin don sa kabilang ibayo e "hugot queen" hahaha😅✌ Eto na po para di naman kayo mainip diyan. Ang sakit lang din sa pakiramdam kasi na kung kelan naman dumalaw ang isang ayaw mong dumadalaw sa iyo dahil walang ibang dulot kundi kirot at sakit ng buong katawan lamang wala ng iba. Sumabay pa ang napakaliit lamang nitong nakausling batong ito sa napakaluwang naman ding daanan. What a deadly combination.💔 Nasubukan niyo na po bang magkaron ng gout? Yong may nakain kang bawal at ang resulta mamamaga ang iyong paa. Sasakit ng sobrang kirot. To the point na di ka na makalakad at di ka na rin makatulog sa tindi ng sakit. Magigising ka ng alas kuwatro ng umaga dahil naningil na ang gout mo. Konting beef lang naman ang kinain mo kung tutuusin. Pero dahil bawal nga ayan dinalaw ka ni gout. Gusto mo lang naman maibsan ang sakit at init ng panahon na nararamdaman mo. Kaya minabuti mong lumabas ng bahay. Magpapahangin ka lang naman sa labas para makaramdam ng konting ginhawa. Paika-ika kang lumabas. Sakto ang timing mo yong namamagang paa mo pa man din ang naiapak mo dito sa larawang kuha ko. Ang sakit ng katotohanan.💔😭 Sobrang sakit talaga at habang nagkokwento ang kaibigan kong gwapo damang dama ko ang sakit na nararamdaman niya. Me: alam mong bawal bakit ka pa kasi kumain non? Him: konti lang naman e. Me: kahit na ayan. Tignan mo napala mo. Him: kaya nga tapos naiapak ko pa dito sa batong ito. Me: may ganyan din dito sa harap namin. Madalas ko din naaapakan. Him: parehas pala tayo. Me: ito na lang isasama ko sa post ko bwhahaha✌😂 Him: naman at starring pa ako sa pag no noise mo haist.😪 Me: wag kang mag-alala bato lang naman ito hindi pagmumukha mo ipopost ko😁 Him: salamat naman manang.😂 O di ba ang sakit sakit lang din kasi habang kinokwento niya sa akin ang nangyari sa kanya, naisip kong ibahagi sa inyo na hindi po biro ang may gout. Kapag meron po kayo niyan iwasan niyo na lamang pong kumain ng mga bawal. Para di po kayo matulad sa kaibigan ko. Napabili tuloy siya ng arcoxia tablet dahil di na niya kaya ang sakit. May ganyan ding sakit si ex non maalala ko. Kapag may nakakain talagang bawal namamaga ang paa niya. Umabot sa point na tinutulungan ko pa siya non para pumunta sa cr. Ni hawak sa paa niya noon ayaw niya. Aksidente mang mahipo ko non umaaray na siya. Grabe ang sakit na katotohanan lang kasi di ko na siya kasama ngayon bwhahahaha✌😂 Eleksyon na sa Lunes sana naman ang katotohanan ay di masakit para sa ating lahat na boboto. Manalangin po tayo na manalo ang dapat mamuno sa bansa. At wala ng dayaan pang mangyari. Magkaisa tayong pumunta sa mga voting precints natin and let us exercise our right of suffrage.🇵🇭💪💪 #gratefulvibes #goodvibes
No comments yet