Naman talaga napakahusay mo sis @sunnylife. Nakakaaliw talaga mga bio natin dito sa ating pambansang tambayan.πππ Napaaga po ang aking pagtambay ngayon. Kasi wala na masyadong tao. May entrance conference sila boss mamaya with COA (Commission on Audit). Kaya eto sinasamantala ko lang din ang pagkakataon. Bibihira kaya ang ganito dito sa aming tanggapan. Bihirang bihira na walang tao sa work place ko as in walang pila hahaha. Officer of the day kasi ako dito kaya kadalasan super busy po. πͺπͺ Balik tayo sa ating napakagandang bio ngayon. Oo tama lahat tayo may problema. Parang ako lang. Di naman ako nauubusan ng problema hahaha. Sabi pa pagalingan na lang ng pagdadala. Siguro nga marunong akong magdala (magaan po ba masyado ang bangko ko, kasi buhat buhat ko na eβπ) or magaling magdala. Kaya hanggang ngayon may dala dala pa rin akong problema. Ginalingan ko kasi masyado e bwhahahaha. Magpaka boba kaya ako sa pagdala para mawala na lahat ng problemang ito ano?βπ Seryoso na po tayo. Ang mga problema o suliranin ay parte na kasi ng ating buhay. Kailangan natin matuto kung paano dalhin at siyempre solusyonan. Di naman kasi pwedeng dala dala lang lagi, kailangan natin silang lutasin. Marami na akong kilalang di nakayanan ang mga suliranin o mga pagsubok. At karamihan sa kanila nakakalungkot ang kinahinatnan. Ayoko po na matulad tayo sa mga hindi na kinakaya ang mga dagok at pighati sa buhay. Marahil ay nakakapit sila sa patalim kaya mas lalo silang nasaktan at nasugatan. Kapit po tayo sa tamang source of power para marecharge ng maigi. Kanino? Kay God siyempre. Di Niya tayo pababayaan at di Niya tayo iiwan. God bless po sa ating lahat.π
1 comment
Walang pagsubok na binigay si god na hindi natin kakayanin. Lahat tayo may kanya kanyang problema..ako din naman maraming problema pero nakakagawa pa din ng solusyon kahit papano.. walang katapusan yan hangga't nabubuhay tayo. Yung mga sumusuko sa hamon ng buhay at kumakapit sa patalim may πΏ bumubulong sa kanila..kaya ganon.π€·ββοΈ ...kaya laging magdasal ,manalig sa dyos. Di tayo pababayaan..π