Kailan kaya darating ang ayuda para sa akin? Hahaha sana hindi na aabot sa pasko dumating na. Para makapamahagi na rin ako. Kailan? Kailan? Kailan ko ba matatanggap🎵 Ang aking ayuda?🎶 Paskong pasko na san man magpunta. Lahat ay abala sa paghahanda. Ang iba nama'y abala sa pagsha shopping para sa handa pag noche buena. Marami din ang nagra rush ng bumili ng mga ireregalo para sa mga inaanak at mga special na tao sa kanilang buhay. Anuman ang inyong pinagkakaabalahan ngayong kapaskuhan, nawa ay magbigay ng saysay sa iyong napiling adhikain. Nawa ay humingi ng gabay sa Diyos na buhay upang maisakatuparan ang anumang resolusyon na nabuo upang maipamuhay sa pagsapit ng bagong taon. Sa ganang akin naman wala naman sa handa at pagkain yan o kaya regalo. Ang mahalaga ay malulusog at makakasama natin ang ating mga mahal sa buhay. Araw arawin po natin ang pasko kahit pandemya. Kasama natin ang patnubay ng Diyos kaya naman lagi tayong magpasalamat sa lahat ng ating natatamasa. Isang malamig ngunit magandang gabi po mula dito🇵🇭 at sa iba't ibang panig ng mundo. #rightherewaiting #stillwaiting #ftpleasedumatingkana
2 comments
Wag ka mag alala sis daratiang yon this week. Malapit na pala ang pasko sis Mahalaga healthy tau lahat Ingat lagi dyan sis
Maraming salamat sis. Yong pumapasok kasi nagtatry ako magtip something went wrong sabi niya haist nakakaloka. Oo sis mabuti na lamang at healthy tayo at kasama mga mahal sa buhay💚🎄🙏