Makapagtambay nga saglit dito mga ka ingay. Bet ko kasi ang ating bio ngayon. Parang yong nararamdaman ko lang sa kasalukuyan. Sa araw na ito ay nagluluksa ang isa naming butihing kasamahan sa trabaho. Namatay po kasi ang kanyang mahal na ina. Lubos po kaming nalungkot at nakikiramay po kami sa kanilang pamilya. Ang buhay ng tao ay sadyang mahiwaga. Maraming bagay na ang inihalintulad dito. Gaya ng saranggola, isang box ng chocolates at kung anu-ano pa. Sa ganang akin naman, ang buhay natin minsan ay parang itong nakuhanan kong larawan. Fungus ata ito or fungi kung tawagin. Kusang tumutubo o umuusbong sa kung saan. Ang buhay natin ay sadyang maikli at hindi natin ito pag-aari. Kaya habang nasa atin pa at hindi pa binabawi ng nagbigay, ugaliin nating isabuhay ang Kanyang salita...ang Kanyang utos. Kahit saan tayo pausbungin, kailangan nating isabuhay ang ating pananampalataya. Katulad nitong mga fungus/fungi na ito. Akala ko nga nong una may nakaiwan ng pancake or parang pagkain kasi hahaha.😋Nagutom ako kaya eto kinuhanan ko. Para ma share dito sa noise. Parang mata nga lang nila yong dalawang pula di ba? Naghahanap ako non ng parang manipis lang sana na kahoy o sanga para gawin ko siyang mukha na nakangiti. 😁✌Pero hindi na kasi mas original yan. Mawawalan na ng saysay ang pagka authentic niya pag ginawa kong mukha. Mabuti na lamang at wala talaga akong nakitang sanga hahaha.👍👍😂
2 comments
adda pay patambay tambay nan ah hehe
Wen sis awan masyado peeps ngem ado isamsambot ng reports haist hahaha