Naman magandang hapon ng Lunes mga katambay. Nakurot ang aking puso sa ating bio ngayon. Usapang magulang at anak. Kaya naman relate na relate po ako. At ano naman daw ang kinalaman ng suklay sa bio natin? Well bilang isang ina, minsan sa dami ng ating mga to-do-list para sa ating pamilya, lalong lalo na sa ating mga minamahal na anak, nakakalimutan na natin ang ating sarili. Lalo na ako single parent, provider, caregiver, tutor, tubera, electrician, housemaid, palengkera (marketer tuwing Sabado), at public servant mula Lunes hanggang Biyernes (8 ng umaga hanggang 4 ng hapon), isama mo na din yong pagiging certified rakitera ko in between. 💪💪 Lahat yan kinakaya ko kahit pagod na pagod na ako. Kailangan gawin ko lahat yan. Baka madami pa akong di nasulat diyan e. Dito kasi ako ngayon sa opisina. E tumatambay sandali hahaha😁 Kaya eto bumili po ako ng bago kong suklay mangyari po kasi e nahulog yong dati kong suklay noong Sabado....pinulot ko wala na hindi na magamit. Napagod na din siguro sa kakahintay sa kin na gamitin siya bwhahahahaha.😂 Sa sobrang busy ko di ako masyadong nakakapagsuklay. Kaya siguro walang magkamaling tumingin man lang sa kin. Kaya eto magsusuklay na ako para magkalablayp✌😂
1 comment
Grabi dito talaga ako bumilib eh, salute sayo maam <3 belated happy fathers day sa lahat ng mga single mom. single parent, provider, caregiver, tutor, tubera, electrician, housemaid, palengkera (marketer tuwing Sabado), at public servant mula Lunes hanggang Biyernes (8 ng umaga hanggang 4 ng hapon