read.cash Log in
@sashley

Chasing Sunset....dawβœŒπŸ˜…πŸ˜ Hello mga ka ingay!πŸ˜… Pasensya na kung pasulpot sulpot na lang ako dito. Parang crypto earner lang na nag H O D L lang po ang peg ko. Bukod pa sa napakabusy ko both sa office at sa house. Transition po kasi sa aming tanggapan. Effective February 2022 po ay wala na po ang POEA (Philippine Overseas Employment Administration) dahil bago na po ang pangalan ng aming tanggapan. Ito po ay DMW (Department of Migrant Workers) na. Kaya nasa transition period po kami. Sumabay pa ang pagluwag ng quarantine protocols sa pagdagsa ng mga tae✌😁 este tao sa aming opisina araw araw. Kaya naman halos gusto ko na lang humilata pagka uwi ko. And lately lang nakahanap ng bagong mapapasukan ang aming kasambahay kaya naman last day niya ngayon bukas ay uuwi na siya magstart na siya sa bagong work niya. So back to supah mega ovah loaded busyness na naman me.πŸ’ͺπŸ’ͺπŸ’ͺπŸ’ͺ Bago pa ako tuluyang maging busy sa paggawa ng napakahabang intro ay share ko lang po itong mga larawan kung saan ako ay nag chasing sunset...daw😍 The first photo obviously suggests the title of this post. The rest related na lang bwhahahahaβœŒπŸ˜‚ The rest are taken by a good friend of mine. She said the sunset looks better with me as the background. Bwhahaha feeler lang po.😁 These were taken few months ago. Kasagsagan ng summer. We went to Hiraya. Akala ko tabing dagat kasi when they asked me where to go I told them I feel like I wanted to chase beautiful sunset. At dito kami napadpad. In fairview naman masarap ang mga food at maganda po ang place. Unfortunately I can only upload 5 photos. The rest I will share po in the near future. For now pagdamutan niyo na po muna ang sunset na kasama ako.✌😁😍 #sunset #hiraya

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.