Awww love na love ko ang bio natin ngayon dito sa ating pambansang tambayan. Pasok na pasok sa aking ibabahagi ngayong gabi. Mangyari po kasi ay may isang kaibigan po ang inyong abang lingkod. Isang kaibigan na napakabait, napakamaabilidad, napakamapagbigay, napakasweet niya kasi super concerned siya sa aming lahat. Mas higit pa siya sa nanay namin kung tutuusin. Napakatalino at malawak ang kanyang pang unawa at pasensya sa amin. Sa katunayan nagpadala pa siya ng mga dahon ng dangla para mainom at maipaligo namin. Nalaman lang niyang sumasakit ang aking likod di na siya magkanda ugaga kahit siya mismo may iniinda ring pisikal na karamdaman. Di niya alintana ang kanyang nararamdaman. Iniisip pa rin niya ang kapakanan ng iba. Kung tutuusin di naman niya kami kaanu ano e. No blood relation at all. Pero kung mag care siya sa amin super mas super pa sa family ang turing niya sa amin. Alam kong tahimik ang buhay niya at ayoko siyang hilahin sa aking pag iingay. Ang gusto ko lamang ibahagi ay ang kanyang kabutihan at kung gaano kalaki at kabusilak ang kanyang puso para sa aming mga kaibigan niya. Di ko din babanggitin ang kanyang pangalan. Alam kong marami na rin sa inyo ang nakakaalam kung sino ang aking tinutukoy. Napapanahon kasi ang post ko sa bio ng ating tambayan ngayon. Eto pala ang napakaraming dahon ng dangla na pinadala niya kanina. Yong iba nagamit ko na pinaligo ko na. Bukas iinom kami lahat dito at maliligo lahat sa dahong ito. Maraming maraming salamat sa iyo....God bless you more na more na more na more.🙏🙏🙏
6 comments
You are so blessed sis Kilala ko sya hehe Ang kaibigan kahit hindi blood related parang pamilya na den sya Tatambay den ako dyan sa inyo sis someday :) Get well soon. Ingat lagi dyan and God bless Chika tau soon pag nakaahon na ko sa puyat haha
Oo sis kilala mo siya hehe Tama sis. Nakakatouch kasi un bio kaya yan napa post ako hehe Salamat sa iyo ang galing mo lang din talaga super.💚 God bless sis🙏 sige lang bawiin mo lahat ng pwede mong bawiin, lahat ng kaya mong bawiin bwhahahaha whogoat.✌😂
Mayat atoy pang article, sis
Dik amo i english sis hahahaa
Napakabait naman niya. Sana ibless din siya ng mahabang buhay. At gumaling na din ng karamdaman niya.
Amen 🙏po isa po yan sa mga panalangin namin para sa kanya po. Maraming salamat po💚