read.cash Log in
@sashley

Lord maraming salamat sa araw na ito ako'y Iyong ginising at binigyan Mo ng kakaibang sigla at buhay. Maging ang aking mga mahal sa buhay na aking kasama ay masisigla at masaya dahil sa Inyong mga pagpapala at biyaya na bagong buhay araw-araw. Maraming salamat Ama sa lahat ng Inyong mga sakripisyo para sa amin Panginoon. At sa araw na ito Lord marami man pong nakapila na gawain alam ko po na Kayo po ang aking kalakasan sa buong araw. Marami man pong di kagandahan ang nangyayari sa mundo sa kasalukuyan dulot ng pandemya ay hindi naman po Kayo nagkulang sa pagsubaybay at paggabay sa amin araw araw. Hindi po Kayo nagkulang na bigyan kami ng kalakasan at kalusugan bawat araw. Dalangin po namin Ama na patuloy Ninyo kaming balutin ng banal na dugo ng Inyong bugtong na anak na si Hesus. Amen.🙏 Isang masayang umaga ng Sabado sa inyong lahat mga ka ingay. Eto muli ang isang magandang bulaklak na magpapasaya sa buong araw niyo. Tamang tambay sa labas at palakad lakad kunwari kapag nakakita kayo ng flower shop. Tamang anggulo at click na lang ng click tapos piliin ang pinaka the best at noise worthy photos na isasama sa ating post.👍👍😍 Please keep safe and healthy.💚 I will be back soon. #photography #flowerphotography #similarpost #flower #simpleSaturday #morningprayer #gratefulvibes #pilipinas #tagalog

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.