Ang hirap pala maging kasambahay/katulong/housemaid (kung anu ano pang tawag). I've realized this when I was able to interview one applicant. She was teary-eyed stating her struggles for years in a foreign land. I asked her why she decided to stay that long (20 years straight without coming home to our country for a vacation). She said she had no choice because she's a single mom too like me. She needed to sacrifice her own happiness for the sake of her 3 wonderful children. Now all three of them are graduate and have stable jobs. They're all giving back to her. Me: Ma'am bakit pa ho kayo babalik? Maayos na po ang kalagayan ninyo dito. Lahat naman po sila nagsusuport na sa inyo? Her: Kailangan ko po kasing kumayod pa mam para po sa aking mga magiging apo. Me: Kakayanin niyo pa ho ba? I mean hindi naman na po tayo bumabata Ma'am. Her: Opo mam. Sa tagal ko doon wala na po akong hindi kakayanin basta para sa aking pamilya po. Me: Napakadakila niyo Ma'am. Mag-iingat po sana kayo lagi doon Ma'am. Mag pray po tayo lagi doon Ma'am. Lapit po kayo sa ating POLO (Philippine Overseas Labor Office) pag may violation sa employment contract niyo or any abuse po ha? Her: Maraming salamat mam. Napakabait niyo naman. Kayo pa lang nakausap ko ng ganito. Me: (Naiiyak na ako). Naku wala pong anuman Ma'am. Relate lang po ako sa inyo ramdam ko po kayo Ma'am. OFW din po si tatay ko non. Her: Maraming salamat sa pakikinig mam. God bless po. Me: Maraming salamat po at God bless din po sa inyo Ma'am. I will never forget her. She was in her early fifties 3 years ago (2018). I had the chance to listen to her while retrieving her BM Online account. We were having our intermittent and unstable internet connection that time. So what I usually do is to ask them how's their work, their experience. To avoid long pauses and discontinuity of my service to them. Naisip ko bigla ito kasi ramdam ko now ang hirap ng maging katulong. Lahat ikaw gagawa imagine kung may nag uutos pa at nagagalit pag nagkamali ka or babagal bagal ka. Hapong hapo na rin kasi ako dito sa bahay. Sumasakit na likod ko pero kailangan tapusin ang mga gawain dito. Inimagine ko na ako yong client ko na yon at naluha ako lalo na nong pinapaliguan ko si nanay at nong pinapakain ko tinitinikan ko yong isda kasi malabo na mga mata niya. Then sinunod kong paliguan ang bunso ko. Tapos naglaba na ako at nagluto na ng ulam pang hapunan. Katatapos ko lang naglinis pero eto nag iingay na naman dahil gusto kong shout out po sa lahat ng ating mga OFWs lalo na sa mga kasambahay po. Taas ang aking mga kamay sa pagpupugay po sa inyo. Mga sakripisyo ninyong malayo sa inyong mga minamahal na pamilya upang pagsilbihan ang ibang lahi. Para mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga anak at pamilya. Mabuhay po kayong lahat aming mga bagong bayani. God bless all our OFWs.🇵🇭🙏💚 P.S. so thankful and grateful to God kahit everyday akong pagod at least pamilya ko ang aking pinagsisilbihan dito. Hindi dayuhan o ibang tao. Isang mahigpit na yakap lang ni bunso sabay sabi ng "I love you mommy", pawi agad ang aking pagod.💚💚💚
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
so true sis Nde lahat ng nasa abroad ay kumikita Ang iba nagtitiis para sa pamilya hanggang tumanda na lang :( Saludo ako sau sis dahil matatag ka. God bless always sis Dito lang ako anytime :) labyu muaa
I love you too sis miss you ingat ka lagi diyan sis ha. God bless always 🙏🥰😘💚