Nakapaglugaw at atay balunbalunan na naman ako. Sakto na siguro ito hanggang sa pananghalian mamaya. Pag nagutom ulit, meron pa akong dalawang cupcake sa compartment. Baon namin ni hubby kahapon pero hindi namin nakain dahil mas mahaba ang oras namin sa motor kesa sa views na pinuntahan namin. Sayang yung Forest Garden hindi namin napuntahan maganda pala doon. May mga spots na Instagrammable. Next time nalang na mapunta ulit kami sa Pantabangan hindi ko na iyon palalampasin. Kung may next time pa. Nasa 3 hrs din kasi ang byahe papuntang Forest Garden sa Pantabangan. Nasa 1 hr kung mula ka sa Sampaloc, Pantabangan.
Log in Invite-only for now. Someone already here has to let you in.