Tanong Sa Isipan

0 55
Avatar for salma24
3 years ago

Minsan iniisip kung mas maswerte ang ibang tao kesa sa akin maraming gumugulo sa isip ko na alam kung kagagwan lang ng jins pero di ko maiwasan mag isip at naitatanong sa sarili ko "bakit sila buhos biyaya samantalang ako panay dasal?" wala parin.

sumasama ang loob ko sa tuwing iniisip ko yun nag kakaroon ako ng mix emotions lalo sa tuwing nahaharap kami sa matinding pangangailangan o di kaya sa tuwing nakikita kung ang iba nakukuha nila mga gusto nila at ako kahit anong pag susumikap wala parin at naitatanongko ulit ang bakit?.

bakit nga ba sila mas maswerte kesa sakin? ao bang merun sila na wala ako? sa dasal ba o paniniwala? etoy minsan kung naitatanog sa sarili ko at nalulungkot ako. Alam ko na di lahat ng pag kakataon papanig sa'akin ng swerte dahil di lang naman ako ang tao sa mundo.

At ang paniniwala ko sakanya di yun matitibag ng kahit anuman pero tao lang at nag tatanong lang ako minsan. Ang lungkot na nararamdaman ko lumilipas din at nawawala talagang nakukuha natin hiling natin sa kanyag paraan at di sa paraa nais natin.

Nung ang paniniwala ko ay di solido mas madalas ako na e stress at nadidipress sa mga bagay na di ko maitindihan na sa pakiramdam ko ay pinagdadamot sa akin at sa kanila hindi. Naiiyak ako nang dahil doon at madlas kung e labas ang sama ng loob ko sa cr kung saan walang nakakakita sa akin. Tinatanong ko siya at sinisisi sa mga bagay na iyon dahil nga pakiramdam ko pinag dadamotan ako. Na didipress ako pag di ako nanalo sa mga giveways na maka ilan beses ko nang sinasalihan nan jan yung 100$, 500$ at 1000$ sumasali ako at todo dasal pa pero sa huli wala ni di ka napipili at oo nanalo ako minsan sa isang taon seguro at laging natatapat sa 50$ lamang kaya bakit ganun? samantalang sila napaka dali nilang nakukuha ang mga bagay na sobra kung hinihiling.

Sobra kung hinihiling ang amount nayun pero lagi sa iba napaka dali nilang nakukuha o napapanalunan bakit ako di man lang maka tsamba kahit isa man lang sa mga yun bakit? tanong ko sa aking isip. Lagi nalang ba ganito. Kung minsan di ko maiwasan isip na sana ako siya dahil napaka swerte niya samantalang ako hindi at ang mga bagay na dinadasal ko at mga isaasam ay para sa mga magulang ko di pansarili kaya ganun nalang ag nararamdaman kung lungkot sa tuwing iniisip kung buti pa sila.

Ano bang merun sila na wala ako? eto nanaman ang tanong ko sa aking isipan at naiiyak sa mix emotions na nararamdaman ko di ko maipaliwaag yung lungkot pero pag pa ka ganun paman andito parin ako at umaasa na baka balang araw e mapag bigyan din manalo at yung amount na mapanalunan ko ay ang inaasam kung makuha dahil nais kung e bigay yun sa aking magulang at makita ang kanilang reaksyon.

Isang araw buwan ng naramadan akoy nanuod ng mga debati at initindi ang aking relihiyon dahil di ko eto lubusang nakikilala. Di ako naka tulog sa mga araw nayun dahil namulat ako sa maraming katotohanan at napag tanto ko kung gaano parin ako ka swerte sa napaka raming bagay. Mas lalong tumibay ang aking paniniwala saknaya simula ng araw nayun at walang kataposan ang aking pasasalamat.

Napaka tagal kung naligaw ng landas at naliwanagan din ngayon di ko na tinatanong ang sarili ko ng ganun kadalas sa mga bagay na di ko nakukuha dahil sa maliit na bagay. Di ako marahil ganun ka swerte financially pero sa ibang bagay ma swerte narin ako at hinihiling na balang araw maitayo ko ang pangrap ng magulang ko at mapag bigyan ang hiling kong halaga di ko naman hinihiling na mahulog yun sa langit etoy aking pinag susumikapan na makamtam sa mga panahong eto dahil ramdam kung di ko na makakasama nang gaanung katagal mga magulang ko sila ya parihas nang nakaka karamdam ng mga karamdaman sa mga pag kakataong kamiy gipit na gipit at nakikita kung magulang kung malungkot naiiyak ako pero di ko kayang lumuha dahil sa akin sila naka kapit ng lakas ng loob.

Ang tanging hiling ko lang ma sukliaan ang kanilang mag nagawa para sa akin at habang nandito sila nais kung maramdaman nila ang bagay na kanilang pinapangarap yan lang gusto ko wala akong ibang hangad kundi yan lang. Sana balang araw habang malakas pa sila ay mapag bigyan ng ating Diyos na lumikha dahil siya lamang ang may tanging kakaahan na tuparin ang mga pangrap ng mga magulang ko sana sana balang araw habang malalaks pa sila.

Alam ko na lahat tayo ay may pinag dadaanan iba't ibang bagay wala sa atin ang mi parihas na kaso lahat ng bagay ay mag kakaiba. Alam ko yun marahil nga di na natin ma kukumbisi ang iba na kumapit pa dahil may pag asa pa di natin sila masisi dahil sila ay nag kubli sa madilim na sulok kung saan sila lang nakaka alam at huli na para sa atin na silay sagipin tanging siyang lumikha lamang ang mi kakayanang gawin yun.

Baka ikaw ay naka ranas narin ng ganun kadiliman kung saan pakiramdam mo wala kang makapitan. Kung nararamdaman mo eto sana buksan mo ang iyong isip dahil di lang naman ikaw ang nakakaramdam neto at isipin mong may mga bagay na kaya mo pang gawin. hanapin mo ang liwanag kung di mo makita dahil di laging gabi dumadating din ang umaga. kaya huwag kang mawalan ng pag asa. Alam ko mahirap kumapit lalo na kung walang kang pag kakapitan at kung humihinga kapa sana maalala mo tumongin sa langit at huming ng tawad at kalinawan sa lahat ng bagay sa buhay mo dahil panigurado di niya e pag dadamot sayo yun.

Napaka dami natin tanong sa isip di ko na iisa isahin dahil sa sarili niyo alam niyo yun diba?. Itanong niyo lang kung bakit? at sa huli huwag niyo rin kalimutan alalahanin ang mga bagay sa kung saan masasabi niyong napaka swerte niyo. Ang swerte ay para sa lahat marahil katabi mo eto pero iba ang nais mong swerte pansarili na minsan iniisip mong hindi ganun din ako. At ang taning maguguwa lang natin sa mga bagay na di natin makamtam ay umasa sa salitang ' sana balang araw'. eto ay di natin alam kailan basta dasal nalag natin.

Kung kaya mong e taon ang isip sa ibang bagay yun ay gawin mo para maiwasan mo ang mag isip ng sobra sobra na tinatawag natin sa english na Overthinking kung saan di muna kontrolado ang isip mo dahil nangingibabaw na ang lungkot, ingit, galit na nauuwi sa dipresyon.

Kumapit ka lang at mag dasal at umasa dahil ang hiling natin ay natutupad pero sa paraan mas nakaka buti sa lahat sa paraan ng ating Mi Likha. Tao lang tayo pero may sapat tayong kakayahan itindihin ang mga bagay bagay kaya ikay mag pasinsiya ta umitindi rin. Mahal kanya kaya andito kapa maging mapag kumbaba dahil di naman tayo mananatiling nasa ibaiba mapag ka gayun paman mayaman tayo sa napaka raming bagay. Tingnan mo lang mga taong mahal mo sa buhay at mag pa salamat ka.

3
$ 1.90
$ 1.85 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Yen
Sponsors of salma24
empty
empty
empty
Avatar for salma24
3 years ago

Comments