Paggising ko may nagbubunganga wala daw syang makain. Tanghali na daw kami gumising magluto na daw ako at nagugutom na sya. Napatingin ako sa mga pagkain nakahilera sa mesa. Kaya sinabi ko na kumain muna sya ng mansanas, tapos na daw nakakain na sya. Kaya sabi ko kumain muna sya ng tinapay tapos na rin daw nakakain na sya. Eh di kanin na lang, may ulam pa naman tira kagabi iinit na lang, tapos na rin daw nakakain na rin sya. Sabi ko kumain ulit sya ng kanin(syempre pag kanin nakakabusog) ayaw na daw nya yun na daw ang ulam nya kahapon gustp nya iba naman daw.😖 Gusto ko po mahigh blood kasi sinasabi nya na wala daw sya makain samantalang lahat ng binanggit ko ay nakain na nya. Samantalang kami ang hindi pa kumakain. Pag sinusubukan nga naman pasensya mo. Ay help me po!!! Isa.......dalawa....tatlo........hinga....😖😞
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Isang malalim na inhale exhale pag ganyan hahaha panira ng araw eh
Tinamaan ng magaling abay mayaman ba sya uso magtipid nakain na lahat pala eh bubunganga pa busog na pala kung ako yan habang pumuputak tatapalan ko ng tinapay bibig nyan busog na pumuputak pa at imbalido ba sya..sya naman ang lalaklak eh dito pag gutom mga pamangking ko kung may maluluto sila na kumikilos.