Tanghalian na kain na tayo mga ka NOISE! Itigil mo muna yan ginagawa mo at tayo ay kumain muna. Masarap pag sama-sama kumakain ang pamilya o kahit sila ka-officemate ang kasama, napapalakas ang kain lalo na kung may kasamang masayang kwentuhan. Napapangiti sa bawat pagsubo di alintana kung may tinga, di namamalayan ubos na pala pagkain sa mesa. Daing na bangus para sa pamilya may kasamang itlog na pula para kay bunso, para maging sosyal ng konti kimchi para kay ate. Samahan ng pakwan at saging para sa himagas.
3 comments
Naku naku kakatapos lang mag breakfast Brunch na yata yun mate hehe lets see kung kakain pa kami ng lunch haha
maya maya naman sis. pangmeryenda :)
daming ulam naman