Sino po nakakakilala sa prutas na ito? Sinasabing ito ay pangpalinaw ng mata dahil ito ay mayaman sa Bitamina A. Pero karaniwang mga matatanda lamang ang mahiihilig dito, kahit ako di ako mahilig di ko kayang ubusin ang isa nito. Parang kamote ang laman nya na matamis ngunit may konting pakla dahil sa dagta. May tanim kami nito, nakakatuwa dahil lagi syang namumunga walang pana panahon ng pamumunga nya, ang nakakalungkot lang walang mahilig kumain nito sa amin kaya pinamimigay na lamang namin ito, marami naman natutuwa dahil yung iba ay first time lang nila makita at makatikim ng ganitong prutas. Chesa po ang tawag namin sa prutas na ito.
8 comments
yup totoo yan at tested na din ang prutas na yan nagpapakinaw ng mata yan, kahit na hndi gaano gusto kainin ng iilan dahil sa kanyang amoy masarap yan lalo na kapag hinog, tulad ng durian may masamang amoy pero kapag kumain ka niyan masarap, hindi lang nagpapalinaw ng mata kundi tumutulong din sa pag dudumi mabisa dn yan.
tama po, kaso konti lang gusto kumain sa min. di nila gusto lasa
Meron din po gnyan sa tiniran namin dati.. masustansiya nga daw po yan.. karaniwan may mga edad po ang may gimusto niyan..hehe
samin din mga matatanda may gusto
Tyesa ba yan sis..yan naman yong prutas na ayaw ko..hehhe..
tama sis chesa, parehas tayo ayaw ko din ahahha
May tanim lola ko niyan naku sabi ko masarap daw ay ayaw ko nga..hhehe..
Mukang buko hehe di pa ko nakakatikim nito.