Ulam part 2 Sinigang Nung nakaraang linggo nagluto si Mother ng sinigang na baboy. Habang kumakain nagkukuwentuhan kami ng anak ko. "Mama yung sabaw ng sinigang malapit na sa Mang Inasal" sabi nya. "Bakit maasim ba?" sagot ko naman. "Hindi, konti pa dagdag ng asim" sabi ng bata batuta. "Yung katulad ba ng sinigang ko?" tanong ko. "Mama yung luto ng sinigang mo maasim at maanghang" sagot nya. "Eh d masarap luto ko ng sinigang?" pangungulit ko sa kanya. "Eh d ba Mama nakakailang sandok ako ng kanin pag ikaw nagluluto ng sinigang" sagot nya. "Sus ayaw pa kasi diretsahin na masarap ang luto ko" pagbibiro ko sa kanya. Sumagot ng pabulong pero naririnig ko pa rin "eh kasi baka lumaki ulo mo pag sinabi ko masarap luto mo". Ay grabe sya oh😁😁. Pakurot nga nak sa s_ _g_t😁😁 Photo source: https://images.app.goo.gl/mDyqCmkEF6hzxTaL7
1 comment
Picture pa lang nangasim na ako sis. Ganyan din ba itsura ng sinigang na niluluto mo?