"Kulitan no. 7" "Ulam" Dahil kaming 2 lang ng anak ko sa bahay bumili na lang kami ng ulam sa kanto. Tamang-tama may sarsyadong isda na kanyang paborito. Habang kumakain kami bawat subo may sambit na "hmmn...ang sarap!". Isa, dalawa, tatlong subo aba laging ganon. D na ko nakatiis nagtanong nako. "Nak masarap ba luto?", Sagot naman nya kahit puno ang bibig " Masarap mama!". Tanong ulit ako "Sino mas masarap magluto ng sarsyadong isda ako o yung tindahan sa kanto?". Walang pag aatubling sumagot ang bata " ung nagtitinda sa kanto!" Pagalit akong sumagot "ganon?!!!!". Agad agad syang sumagot "Pero sa puso ko syempre ikaw Mama!" O di ba nakuha sa galit.Bigla naging sweet. Di ko po alam kung matutuwa ako o maiinis hahaha 😁😄
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet