read.cash Log in
@saiber more from that month

"Kulitan no.4" Kagabi bago matulog, nakaupo kami sa kama habang nag kkwentuhan ng bigla sumandal sya sa likuran ko. At talagang ginawa akong sandalan habang nakadantay  ang paa sa unan. Magkatalikuran kami nag uusap: Mama:   " ano ka ba ang laki laki ng kama sa akin ka pa sumandal" Anak:   " syempre mama, ang taba mo kasi, ang lambot eh. Parang kama! Hahaha" (Inasar na naman ako, nakakarami na naman) Mama: " hay naku! Kawawa naman ako Anak:   " bakit?" Mama: " eh kasi parang nakasandal ako sa kawayan eh" 😁😁 Isang malakas at malulutong na tawanan ang mga sumunod na nangyari. At marami pang kulitan at asaran. Magandang hapon po sa inyong lahat.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.