"Kulitan no.5" Nasa loob ako ng bahay, habang si anak ay nasa labas ng bahay. Bigla syang sumigaw na excited, nataranta ako kaya agad agad akong lumabas ng bahay Anak: " Mama!!!! Ako: " Bakit?! Ano nangyari?! Anak: " Mama, anjan si Jollibee oh! (Ako naman silip agad sa may gate hanap ko yung mascot ng jollibee kahit yung rider wala akong nakita) Ako : " Jollibee? Asan ala naman, d ko makita, ke laki laki nun d para d ko makita" Anak: " ayan mama oh, palapit na nga sya sayo oh" Mama: " asan ba?" Anak : " ayan mama oh, dumapo na sa halaman" (Susme! bubuyog pala!! si jolly the bee!) 😁😄😁😄
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet