Maniwaya Island

0 14

Maniwaya Island ay matatagpuan sa Sta.Cruz Quezon Marinduque. At tinatawag itong "HEART ISLAND OF THE PHILIPPINES".

Paano ba pumunta? O makarating dito?? Ating alamin.

Biyahe hanggang Sta.Cruz Quezon at kailangan sumakay ng bangka para makarating sa isla. 45 na minuto ang lalakbayin upang makarating sa isla.

May iba't ibang lodge o pahingahan na pag pipilian.

Napili namin kung san kami mag stay ay sa "Cozea Beach Lodge ". Na kahit 30 na katao pwede mag stay ng ilang araw. 3 araw at 2 gabi kami nag stay. Sobrang maasikaso ang mga staff at ang serbisyo ay masasabi ko na 100 pursyento. Ang mga ngiti at tawanan ay wala sinuman ang mkakapagsabing hindi totoo. Dito ko din naranasan na akala mo wala kang problemang haharapin kapag muling bumalik ng lungsod.

Tila ayoko nang umuwi.

Bakit ko nga ba ito nailagay sa article na ito. Anu ang koneksiyon nito sa mga inumin na ginagawa ko?

Ako ay dumayo sa isla na ito para mag trabaho ng ilang araw upang makapgserbisyo at gumawa ng mga inumin. At para lang ako namasyal dahil hindi mo mararamdaman na nag tatrabaho pala ako. Masaya sa pakiramdam na nakapasyal ka na kumita ka pa.

Sa gabi ang sasaya ng mga ilaw. Sasabayan pa ng mga tugtog na 90's and rnb na mga old skul o mga bagong tugtugin. Mapapasayaw ka na lang talaga at kalakip nito ang ngiti na walang patid. Ang DJ na akala mo dancer na tila akala mo ng lalaro lang doon dahil walang patid sa pagtawa at ngiti.

Ang dagat sa umaga ay walang kasing ganda at sobrang nakakaginhawa ng pakiramdam. Talagang masasabi ko na nag refresh ang utak ko at nakalanghap ng hanging walang polusyon.

Ang natural na init na mararamdaman ay hindi mo mapapansin. Dahil sa ganda nito ninanais ko na balikan muli.

Meron kaming mga kuha ng larawan at aking ibabahagi sa inyo....

Hanggang sa muli.

1
$ 0.00

Comments

so0n.,. hmm??? mapupuntahan ko rin tong lugar n to

$ 0.00
3 years ago