Hangarin sa paggamit ng read.cash
Ano ba ang unang pumasok sa iyong isipan nung ikaw ay niyaya ng iyong kaibigan at kakilala na gumamit ng ganitong plataporma? Maganda ba ang naidulot nito saiyo? May naitulong ba? Para sa akin bilang miyembro ng komunidad na ito ay malaki ang naitulong at impluwensyang binigay nito sa akin sa araw-araw. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ako sumali dito. Malaking tulong sa pinansyal na pangangailangan Aminin man natin o hindi nandito tayo para kumita. Marami sa atin ang nawalan ng trabaho nung pinasimulang ipatupad ang lockdown sa bawat lugar na nagkaroon ng kaso ng covid. Marami ang napilitang magtrabaho sa loob ng bahay o ang tinatawag na "work from home". Maging ako man bilang maybahay at full time mom ay naghahanap ng pwedeng pagkakitaan online. Malaki ang naitulong nito sa akin kahit na kumikita ako ng maliit pa lamang. Malaking tulong na ito sa akin bilang asawa na umaasa lamang sa sahod na naiuuwi ng aking asawa. Nalilinang ang kakayahan sa pagsusulat, pagbabasa, pang-unawa at paggawa ng kapaki-pakinabang na talata Malaki ang naitulong nito sa akin sa mabisang pagsusulat at pagbabasa ng mga talata na nilalathala ng ibang miyembro. Natutulungan ako na mabuksan ang aking mata at isipan sa mga bagay at pangyayari sa bawat sulok ng mundo. Nahihikayat ako na gumawa ng mga bagay na mas kapaki-pakinabang kaysa magbabad sa panonood at pagscroll up and down sa screen na wala namang kabuluhan. Nalilinang ang aking kakayahan upang makagawa ng artikulo na maaaring kapulutan ng aral ng mga mambabasa. Mabisang panlaban sa stress, pagkainip at lumbay Sa pamamagitan ng pagsulat ay nailalabas ko ang aking nararamdaman. Nagiging daan ito upang gumaan ang bigat na aking pinagdadaanan. Pansamantala kong nakakalimutan ang aking problema sa tulong ng komunidad. Mabisang panlaban din ng stress ang pagbabasa ng mga nakakaaliw at malaman na artikulo na nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa buhay ng tao. Nababaling ang isip sa ibang bagay na mas nagbibigay ng kaliwanagan sa isipan. Nakakalibang ang pagbabasa ng ng artikulong may kinalaman kung paano malalagpasan ng mahinahon ang mga problema na ating kinakaharap sa ngayon. Nagbibigay ng mga impormasyon, balita at katotohanan Marami akong natututunan at nalalaman na mga bagay na ngayon ko lamang napuna at napag-alaman. Ang mga pangyayari sa loob at bansa ay nakakatulong upang lumawak ang ating kaalaman at ideya sa partikular na bagay at pangyayari. Maraming katotohanan ang napapatunayan ng mga nagbabahagi ng kanilang kaalaman at nalalaman ko ang mga espekulasyon na maaring maganap o mangyari na ibinabahagi ng ilang manunulat. Nagiging "up-to-date" at hindi nahuhuli sa balita. Ito ay nagiging source o kinapupulutan ng aral na maaring hindi mo pa narinig o nabalitaan kaylanman. Nakakatulong sa emotional, mental at sosyal na kalidad ng isang tao Ang pakikipagkapwa o pakikisama ay napakahalagang aspeto sa buhay natin sa araw-araw. Magkakaiba man ang lahi natin tayo ay nagkakaisa sa platapormang ito. Natututo tayong magtulungan kahit hindi tayo magkakakilala sa pamamagitan ng pag-upvote, like, comment at share ng content ng bawat isa. Malaki ang naitulong nito saakin upang maipahayag ko ang akong opinyon tungo sa isang artikulong aking nababasa. Marami man ang balitang nakakalungkot ngunit madami din naman ang tutulong sayo upang tumaas uli ang tiwala mo sa iyong sarili. Mahalagang bahagi ang ginagampanan ng bawat isa sa atin dito sa komunidad na nabuo na naglalayon na mapaunlas ang kakayahan at abilidad ng bawat miyembro. Para sa mga walang sawang sumusuporta sa aking ginagawang artikulo at para sa mga taong tumutulak sa akin upang mapanatili ko ang aking pagiging aktibong miyembro napakalaking salamat sa tulong at inspirasyong bunibigay ninyo. Tunay kayong mga kaibigan kahit hindi tayo nagkakaharap ng pisikal. Tayo ay magtulungang mapanatili at mapaunlad ang platapormang ito para sa mas marami pang kapakinabangan at kaalaman. Maraming salamat!
No comments yet