Paglingap sa kapwa
Likas na sa atin ang pagiging matulungin sa kapwa ngunit may iilan na ginagamit ang pagtulong upang magpakitang-gilas sa madla. Sa panahon natin ngayon nakakalungkot isipin na may mga taong handang tumulong ngunit may hinihintay naman palang kapalit. Nakakapanlumo na ang kaunting tulong pinansyal at materyal na bagay ay kapalit ang pagbandera ng mga mukha ng mga nakakaawa at inosenteng mamamayan na nagagamit sa maling paraan ng iba upang makakuha ng simpatya at papuri sa media. Kung ikaw ay may kakayahan na makatulong sa iba gawin mo ito bilang pagmamahal at pagmamalasakit mo sa iyong kapwa at huwag kang maghihintay ng anumang kapalit. Matuto tayong lumingap sa mga nangangailangan ng hindi kailangan na ipahayag at ipangalandakan sa social media at sa kung sino man. Maaring makatulong ang social media sa pagpapalaganap ng mga nangangailangan ngunit sa kabilang banda may mga taong nagiging sensitibo kapag nakikita nila na nagagamit lamang ang mga tulong sa maling pamamaraan. Ang pagtulong sa kapwa ay nakakagaan ng loob at nagbibigay kaginhawahan lalo na kung bukal sa ating kalooban ang pag-abot ng tulong sa kanila. Sa anong paraan tayo makakatulong sa ating kapwa? Narito ang ilan sa mga simpleng bagay na maaaring gawin at maitulong natin sa ating kapwa. Pagpapakain sa nagugutom at pagpapainom sa nauuhaw. Pagbibigay limos o barya sa mga bata at pulubi sa lansangan. Pagbibigay ng donasyon mapa-pinansyal at materyal na bagay man. Pag-akay sa matatanda at mga bata sa pagtawid sa kalsada at daan. Pagdalaw sa mga nasa bahay ampunan ng bata man o matanda. Pagbisita sa kulungan ng kamag-anak o kakilala. Pagtapon ng iyong basura sa tamang lalagyan upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran. Pagtangkilik at pagsuporta sa kabuhayan ng ating kaibigan o kakilala. Paglingap at walang matuluyan. Tulungan at lingapin natin ang mga nasunugan ng bahay, biktima ng pagbaha at mga nawalan ng tirahan dahil sa pinsala ng bagyo upang mabawasan ang lungkit at pigahati na kanilang nadarama. Iparamdam natin sa kanila na mahalaga sila bilang miyembro ng komunidad upang huwag silang mawalan ng pag-asa at panghinaan ng loob. Huwag mong iisipin na inaabuso ng iba ang iyong kabaitan dahil ang lahat ng iyong paggawa ng mabuti ay hindi kailanman magdudulot ng masama. Sabi nga nila "It's better to give than to receive". Mas pinagpapala ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap lamang. Kaya huwag kang mapagod at magsawa na tumulong sa mga nangangailangan. Ang Diyos na ang bahalang gumanti saiyong mga mabubuting paggawa. Ipakita natin ang pagiging makatao lalo sa panahon ngayong may mga labis na naapektuhan ng pandemya at mga kalamidad. Ang simple at minsan mong pag-abot ng tulong ay malaking kaginhawahan sa kanila. Ang mga bagay na mayroon tayo ng sobra ay ating ibahagi sa may labis na nangangailangan. Higit sa lahat panalangin ang mabisang tulong para sa ikapapanatag ng kalooban ng bawat isa. Like comment and subscribe! Thank you... @rosienne
No comments yet