read.cash Log in
@rosienne edited more from that month

Pagmamahal ng buong puso, hindi ng buong nguso

Naranasan nyo na ba magmahal ng taong puro pangako lang? Mamahalin kita habambuhay, aalagaan at poprotekhan, papakasalan kita at magkasama tayong tatanda, yan ang mga linyahan nila. Pero hanggang pangako lang pala sayo at sa iba nya tinupad. Masakit diba? Bakit nga ba may mga ganitong uri ng tao mga walang konsensya at kahihiyan? "Puro salita kulang naman sa gawa" May mga taong puro salita at pangako ngunit wala namang pagpapahalaga at paninindigan sa mga salitang kanilang binitawan. Sa unang pagkakataon pa lang ng pagbitaw nila ng isang simpleng pangako na hindi nila matupad ay huwag mo na silang asahan. Huwag mo silang bigyan ng pagkakataon na ulitin nila ang kanilang kasinungalingan. Mababatid mo sa una pa lang kung seryoso at kung tunay nga syang may pagmamahal. Sa kagustuhan natin na mabigyan sila ng isa at ng madami pang pagkakataon ay nasusubok ang kanilang katapatan. Ngunit ang hindi nila pagtupad sa kanilang pangako ay nagdudulot sa atin ng labis na pagkabigo at kalungkutan. May mga taong darating sa buhay natin upang tayo ay saktan lang. Nakakalungkot pero isa ito sa katotohanan. Paano mo ba mapapatunayan na mahal mo ang isang tao? Kung mahal mo sya patunayan mo hindi lang sa salita kundi sa gawa. Kapag mahal mo ang isang tao huwag na huwag mong sasaktan o bibigyan ng mga bagay na ikakaselos nya na magiging ugat ng away at hindi pagkakaintindihan. Kapag sinabi mong mahal mo siya huwag mong ipopost sa social media ang pinag-uugatan ng away nyo dahil dadami ang makikialam at lalong hindi niyo maayos ang problema nyo. Huwag puro sabi ng "iloveyou" ipakita mo,iparamdam mo at higit sa lahat gawin mo. Kapag nag-away kayo huwag mong papalipasin ang isang araw na hindi kayo nagpapansinan dahil dito magsisimula yung tinatawag na "gap". Matuto kang manindigan, hindi yung naniniwala ka sa tsismis o sa sabi-sabi lang. Mas paniwalaan mo ang mahal mo kaysa sa ibang tao na mas gustong makitang nahihirapan kayong ipaglaban ang isa't-isa. Huwag na huwag kang magsisinungaling o maglilihim sa kanya. Kapag nagkulang siya sayo punan mo yung pagkukulang niya hindi yung maghahanap ka na agad ng iba. Tanggapin mo sya bilang sya. Huwag mo syang hanapan ng mga bagay na wala sa kanya. Mahalin mo sya ng buong puso gamit ang isip at puso mo hindi ng nguso lang. Patunayan mo siya lang sa buhay mo. Pahalagahan mo ang mga bagay na isinakripisyo nya para sayo at pagpaparaya para lang manatili kayong magkasama. Suklian mo ang pagmamahal nya. Kahit kayo na pag-asawa na kayo ligawan mo pa rin sya. Iparamdam mo sa kanya na sya lang ang babaeng espesyal sa paningin mo. Huwag mo siyang sasaktan pisikal at emosyonal man. Manatili kang nasa tabi nya katulad ng mga ipinangako mo sa kanya sa magkasama kayong tatanda ang aalagaan ang isa't-isa. Samahan mo sya sa hirap, lungkot at pagdurusa hindi lang sa sarap at saya. Huwag na huwag mong sasayangin ang tiwala na ibinigay saiyo ng isang tao. Napakahalaga sa isang relasyon at pagsasama ang pagkakaroon ng tiwala sa isa't-isa. Ang mga salitang iyong binibitawan ang kanilang pinanghahawakan kaya matuto kang manindigan. Huwag kang papadaya sa tukso dahil wala itong magandang maidudulot saiyo. Maaring paulit-ulit lang ang iyong sinasabi ngunit magkakaroon ito ng kabuluhan kung lahat ng sinabi mo ay gagawin mo ng buong puso at may pagmamahal. Matuto kang umiwas sa mga bagay na walang kabuluhan at hindi makakatulong sa pagpapanatili ng magandang pagsasama at relasyon. Ang lahat ng iyong binibitawang salita ay pinaghuhugutan ng lakas ng iba kaya gawin mo ito upang hindi sila manghina at umasa sa wala.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.