read.cash Log in
@rosienne more from that month

Paano makakaiwas sa pagkakaroon ng utang

Isang mahalagang paalala na umiwas kung hindi naman kailangang magkaroon ng utang. Isang mabigat na responsibilidad sa pinagkautangan ang iyong nahiram na pera. Maaring ang pinanggalingan ng iyong nautang na pera ay nakalaan sa ibang bagay na. Dapat alam natin ang ating obligasyon pagdating sa takdang oras ng bayaran. Ngunit hanggat maaari ay huwag ng mangutang kung hindi naman lubos nakailangan. Paano nga ba makakaiwas na magkaroon ng utang? Maglista ng mga pangunahing bagay at pangangailangan na dapat matugunan agad. Magplano ng mga bagay na dapat at hindi dapat paglaanan at bigyan pansin. Dapat ay matuto tayong magtipid upang maiwasan ang kakulangan sa ibang bagay. Magtipid sa pagkain, paggamit ng kuryente at tubig at huwag ng pumunta at mamasyal kung saan-saan. Mag-ipon. Kapag ikaw ay may ipon ay mayroon kang mahuhugot sa oras ng biglaang gastusin sa bahay. Hindi mo kakailanganing mangutang kapag may ipon ka. Iwasang maging maluho. Hiwag ng mangarap ng mga bagay na alam nating hindi abot ng ating kapasidad. Matutong magtiis at magtiyaga sa kung anong mayroon lamang. Huwag ng maghanap ng mga bagay na wala sa iyong harapan. Umiwas sa mga bisyo katulad ng alak at sigarilyo. Piliin ang pakikisamahan o magiging kaibigan. Kapag ang iyong kaibigan ay laging kumakain sa labas o gusto laging namamasyal maaapektuhan nito ang iyong sistema ng pagba-budget. Huwag makikisabay sa uso. Kung ikaw ay wala ng mga bagay na nauuso huwag pilitin ang sarili na mangutang upang magkaroon lang ng mga bagay na ito. Kapag may handaan tama na ang simpleng pagdaraos lamang. Huwag gumaya sa kakayahan ng mga mayayaman. Iwasang bumili ng mga bagay na hindi naman kadalasang nagagamit at natatambak lang. Kapag nagkaroon ng pagkaataon na kumita magtayo ng negosyo o mag-invest upang may pagkakitaan. Limitasyon sa bawat paggalawlugar ng pera na iyong nahahawakan. May mga bagay at pangyayari na hindi natin inaasahan na dahilan kung bakit tayo ay nangutang. Iwasan nating mangutang sa mga tao o lending company na mataas ang porsyento o tubo. Hindi ito makakatulong na makalutas ng problemang pinansyal baka lalo ka lamang mabaon sa kahirapan. Ano ang maaring epekto sa pamumuhay ng pagkakalubog sa utang ng isang tao? Isang malaking problema ang dulot nito *sa pang araw-araw na buhay. Maaaring magbigay daan ito upang makaranas ka ng depresyon at pagkabagot sa buhay. Maapektuhan nito ang iyong kaisipan at emosyon na maaaring magdulot ng iba pang pinsala sa iyong sambahayan. Maapektuhan ang iyong araw-araw na gawain na dulot ng iyong pagkukulang sa pagbabayad. Maaring magdulot ito ng problema sa pamilya. Magkakaroon ng away sa pagitan ninyong mag-asawa. Maari din itong ikapahamak ng iyong sarili at mahal sa buhay lalo na kung ang iyong napag-utangan ay may maiksing pasensya at hindi marunong umunawa sa iyong sitwasyon sa buhay. Maaaring maapektuhan nito ang iyong tiwala sa sariling kakayahan. Magdudulot ito ng negatibong pananawa sa iyong buhay.* Mahalagang nakahanda tayo sa anumang bagay at pangyayari na darating sa ating buhay. Ang pagkakaroon ng utang ay isang pagkakataon lamang na maaaring maganda at masama ang maidulot nito sa ating pamumuhay. Kailangan nating matuto ng tamang proseso sa pinansyal na aspeto upang hindi tayo malubog sa utang at upang maiwasan natin ang kagipitan. May mga taong nangungutang upang magnegosyo at masuportahan ang kanilang nasimulang pagkakakitaan. Kung maganda ang iyong layunin ng pangungutang pag-isipang mabuti ang mga hakbang na gagawin upang gumanda ang resulta sa bawat paggawa. Samantalang may mga tao namang nangungutang upang makipagsabayan sa mga nakikita nila sa kanilang kapaligiran kahit hindi tugma sa kanilang kalagayan. Marami ang nalulubog kapag ganito ang iyong kaisipan. Tandaan natin na ang utang ay utang. Dapat natin itong bayaran dahil ito ay pinaghirapan ng taong pinagkautangan natin. Ang tiwala na ibinigay nila ay huwag nating sirain ng dahil lamang sa hindi pagbabayad sa utang at perang kanilang pinaghirapan. Hindi lang pera ang pinautang nila kundi pati tiwala. Matuto tayong magpahalaga sa mga taong handang tumulong sa atin kapag tayo ay nangangailangan. Iilan na lamang ang mga taong tunay na may malasakit sa kapwa. Huwag nating sayangin ang kanilang tiwalang ibinigay at tulong upang guminhawa ang ating pakiramdam kahit pansamantala lamang.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.