read.cash Log in
@rosienne more from that month

Mga magandang pangyayari sa kabila ng salot sa mundo

Marami sa atin ang lubos na naapektuhan simula ng ipatupad ang *lockdown* sa bawat sulok ng bansa. Maging ang mga malalaki at maliliit na negosyante na hanggang ngayon ay nagkakandarapa upang makabawi sa mga nawalang pagkakataon noong mga nakaraang mga buwan. Ngunit ano nga ba ang magandang pangyayari na naganap sa kabila ng pandemya ngayong taon? Ating isa-isahin ang mga pangyayaring ito ngayon. ***Magandang epekto kalikasan***

Sa dami ng nagsarang kompanya at pabrika sa kasagsagan ng salot nabawasan ang mga nagiging sanhi ng polusyon sa hangin kabilang na ang mga pampubliko at pribadong sasakyan. Nabawasan ang init na dulot ng mga malalaking kompanya, pabrika at mga sasakyan dahilan upang maghilom ang kalikasan. **Nabawasan ang bilang ng krimen**

Maganda rin ang naging epekto nito sa publiko dahil nabawasan ang kaso kriminalidad at karahasan sa bansa. Nagbigay takot sa mga masasamang loob ang covid'19 dahilan upang maipagpaliban ang anumang uri ng kasamaan na magdudulot ng pinsala sa kanilang kapwa. Nabawasan ang kaso ng pagnanakaw dahil maaring natakot din silang mahawa ng sakit na wala pang angkop na panlunas. Bagamat hindi pa lubusang nasusugpo ang kasamaan at tila wala ng katapusan nakakagaan sa pakiramdam na ang salot ay magbibigay daan upang maiwasan at mabawasan ang maraming uri ng karahasan sa panahon pandemya. ***Pagkakabuklod-buklod ng pamilya***

Marami ang abala sa trabaho, negosyo at iba pang uri ng gawain sa labas ng bahay ngunit dahil sa pandemya ay muling nagkabuklod-buklod ang pamilya. Nagkaroon ng mas maraming oras at pagkakataon na magsama-sama at kumain ng sabay-sabay sa loob ng bahay. Nagkaroon ng sapat na oras ang bawat miyembro ng pamilya upang magkausap-usap tungkol sa mga pangyayari sa kani-kanilang buhay at problema. Nagkaroon ng pagbabaha-bahagi ng mga plano at pangarap para sa isa't-isa. Naging dahilan ang pandemya upang lalo pang mapagtibay ang relasyon ng magpapamilya. ***Pagkakaroon ng pagpapahalaga sa kalusugan***

Marami sa atin ang inaabuso ang sariling katawan masunod lamang ang kagustuhan kahit na labis na maapektuhan ang ating kalusugan. Ang pag-inom ng alak at paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng paghina ng *immune system* ng isang tao. Ngunit pagsapit ng pandemya maraming tao ang naging *health conscious* sa takot nila na mahawa sa sakit na covid'19. Natutong mag-ehersisyo, uminom ng vitamins, at kumain ng mga masusustanyang pagkain katulad ng mga prutas at gulay. ***Pagbabalik-loob sa Diyos***

Sa panahon ng covid'19 na wala pang tiyak na lunas maraming mga tao ang nagbalik-loob at nanampalataya sa Diyos. Sa kabila ng kahirapan at pasakit na naranasan ang pag-asang magbalik sa normal ang lahat ang ating inaasam-asam na inuutal ng ating mga bibig at pinapakiusap sa poong maykapal. Marami ang natauhan na tila ay nakalimot na sa Diyos ngunit dahil sa pandemyang ito ay nabuksan ulit ang kanilang mga isipan na walang ibang maaaring lapitan sa panahong ito kundi ang Diyos. Marami man ang sobrang naapektuhan at nahirapan sa salot na ito huwag natin kakalimutan ang magandang pangyayari at aral na dala ng pandemya na makakatulong upang maging handa tayo sa mga posibilidad at mga pangyayari sa ating kapaligiran. Magsilbing aral sa ating lahat ang pangyayaring ito. Marami man sa atin ang may takot na mawalan ng mahal sa buhay tingnan nalang natin kung ano ang magandang anggulo sa pangyayaring ito. Gawin natin itong kalakasan upang magpatuloy sa hamon ng buhay. Ito ay pansalamantala lamang. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa dahil makakabangon din tayong muli sa awa at tulong ng Diyos.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.